
Two citations, one international single coming up and lovelife, what more can Christian Bautista ask for?
by Ruben Marasigan
Dalawang awards ang napanalunan ni Christian Bautista sa recently concluded na 7thPMPC Star Awards For Music. Ito ay ang MALE POP ARTIST OF THE YEAR para sa kanyang album na Soundtrack under Universal Records at ang MUSIC VIDEO OF THE YEAR para naman sa kanta niyang “The Way We Are” kung saan nakasama niya ang ex girlfriend niyang si Rachelle Ann Go at idinirek nilang dalawa ng brother niyang Joshua Bautista.
“Nasa London kami noong nag-shoot kami ni Rachelle using a cellphone lang. So parang… baguhan lang kami at hindi namin ini-expect na mananalo palang Music Video Of The Year,” bungad ng Asia’s Balladeer nang makausap ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph).
Magaling din daw kumanta ang younger brother niyang si Joshua. Pero mas pinili nito na mag-concentrate na lang sa teaching profession.
“Ten years na siyang high school teacher,” sabi pa ni Christian.
“It’s really a real treat!” sabay ngiti niya nang matanong kung ano ang kanyang feeling sa dalawang awards na napanalunan. “And parang lalakas ang loob ko pa to be better as a performer and as a singer. Alam mo ‘yon? Every year dapat lagi kang may bago na inilalabas, to sort of challenge yourself.”
Plano raw niyang magkaroon ng celebration o party kaugnay nito.
“Oo. Celebration dapat! Siguro mga a week after. Siyempre… preparation para rito!” tawa niya.
“Magandang early Christmas gift na pwede kong ituring ang dalawang awards na ito. May Christmas gift na kaagad sa akin kaya I’m so happy. Thank you sa PMPC. Thank you!”
Kababalik lang ni Christian mula sa UK kung saan aniya ay meron siyang ginawang special project. Ano nga bang proyekto ito?
“Meron akong project sa London na single na iri-release ko do’n. Kaya ako parang sikrtetong pumunta doon. Nag-shoot ako ng music video doon. Nag-photo shoot, pero hindi ko muna sinasabi.
Iri-release ko siya sa London ng December 14. Ang title no’ng song… “Who Is She To Me.”
“It’s a song that talks about a new love brewing and blossoming into something that changes everything into someone’s life. This is my first single to debut in the UK.
The said song was musically arranged by Randy Kerber who earned an Oscar nomination for Best Original Score for the movie Color Purple and nominated for a Grammy for his arrangement of Over The Rainbow for Brbra Streisand and was sound engineered by Christian Robles.
Ang music video naman nito ay idinerehe mo Leon Mitchell and was shot entirely in London.
“It will be available soon on your favorite music video channels and YouTube. You can check out the teaser by following this link: https//Youtu.be/OSSRfowk-pA,”excited na sabi pa niya.
“I don’t know what’s gonna happen. Pero gusto ko talaga maka-break do’n. So whatever happens whether good or bad, at least nag-try ako.”
Bakit isang single o song lang, hindi pa niya binuong isang album?
“Ngayon kasi, kapag napansin mo ‘yong mga music… single muna, tapos, single, tapos single, tapos album.”
May plano na bang bagong collaboration nila ni Jessica Sanchez?
“”Wala pa.”
Any acting project or teleserye for him sa GMA 7 coming up?
“Baka next year na lahat. Kasi Kakatapos lang ng ‘My Mother’s Secret’ at saka ‘yong hosting ko sa ‘To The Top,’ so next year na ulit.”
Kung sabagay fully booked ang schedule niya sa kanyang mga commitments abroad.
“Hanggang January, yes, I am fully booked. Pero dito ako mag-spend ng Christmas at New Year with my family sa Cavite.”
Malapit na ang Pasko. Loveless pa rin siya?
“Secret!” sabay ngiti niya.
Parang meron na siyang bagong special someone ulit?
“Ano lang… bast private na lang ang tungkol diyan. Private na lang,” muling nangiting pag-iwas ni Christian.
May Christmas wish ba siyang gustong hilingin for this year?
“Sana mawala na ‘yong Tanim-Bala sa airport natin. Hindi lang ako ang mabiktima no’n, lahat! At sakaling mangyari rin iyon sa akin, lalaban ako. Ipu-prove ko na biktima ako at wala akong dalang bala..
“Kaya kada alis ko going abroad, nag-iingat ako. Nira-wrap ko ‘yong bag ko ng plastic. Sana wala nang mangyari na gano’n. Kasi may mga kibigan ako, takot na takot at napa-praning.
“E ang gawin na lang… i-video mo ‘yong bag mo bago habang nira-wrap mo ng plastic at bago mo i-seal. Tapos sabihin mo sa lahat ng tao, magi-airport ako wala akong bala, ganyan,” pagtatapos pa ni Christian sa aming naging panay