
100 performers set to open Ogie Alcasid’s 30th anniversary concert
Maituturing na isa sa pinakamalaking musical events ng taon— ang “OA: Ogie Alcasid 30th Anniversary with the ABS-CBN Philharmonic Orchestra” concert na magaganap sa Agosto 24 (Biyernes) sa Araneta Coliseum.
Siguradong hitik sa awitan at kasiyahan ang konsiyertong ito.
Siyempre pa, punung-puno rin ito ng katatawanan dahil hindi puwedeng hindi ipakita ni Ogie Da Pogi ang funny side niya bilang isa rin sa mahuhusay na komedyante ng bansa.
Ang maganda pa, bilang isa sa mga taong may malasakit sa OPM ay ibabalandra sa palabas ang tatak ng Pinoy at sariling atin.
Nakakakilabot nga ang opening number na magtatanyag at magtataas pang lalo sa talento at musikang Pinoy.
“Magkakaroon kami ng malaking fiesta atmosphere sa opening number na mayroong 80 hanggang 100 performers sa stage,” pagbabahagi ng singer-songwriter.
“Gusto naming ipagdiwang ang lahat ng may tatak Pilipino.”
Sasamahan ang “Your Face Sounds Familiar Kids” judge sa musical milestone na ito ng Phenomenal Box Office Star na si Vice Ganda at ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid.
Bahagi rin dito sina Rey Valera, Michael V, Janno Gibbs, Yeng Constantino, Moira dela Torre, Leila Alcasid, Sarah Alcasid, Nate Alcasid, Ban Sot Mee, at ang Hotlegs.
Ididirek ang naturang concert ni Paolo Valenciano, sa ilalim naman ng musical direction ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra maestro na si Gerard Salonga.
Espesyal ngang maituturing ang konsiyerto ni Ogie dahil bukod kay Regine ay magpe-perform din ang kaniyang mga anak. Sa kaniyang Facebook account ibinahagi ng magaling na singer na makakasama niya sina Nate, Sarah at Leila.
“My dear son nateyboy is joining me too together with his ate @sarahalcasid and ate @leilalcasid my children are my source of pride and joy.
“God is just so wonderful to have me experience being a father to my children. I am so far from being a great dad but since they are God’s children, I know that he helps me overcome the mistakes I make as a dad. I love you three so much. You are so precious to me.”
Handog ng Star Events, ABS-CBN Events, at A-Team ang “OA” concert. Tampok naman ang PLDT Home at Belo Medical Group bilang co-presenters habang minor sponsors ang Transmodal International Inc., EO Executive Optical, at Jollibee.
Mabibili na ang tickets sa ticketnet.com.ph sa halagang P5,075 (VVIP kasama ang “Nakakalokal” album), P3,710 (VIP), P3,180 (patron A), P2,650 (patron 😎, P1,590 (lower box), P745 (upper Box), at P425 (general admission).
Maaari ring tumawag sa 911-5555 para sa ticket inquiries.
Huwag palampasin ang 30th anniversary show ni Ogie sa darating na Agosto 24 (Biyernes), 8 PM.