May 24, 2025
Yul Servo supports K to 12
Latest Articles

Yul Servo supports K to 12

May 19, 2015

arseni@liao
by Arsenio “Archie” Liao

253664_152910708114668_5424773_n1Malapit na ang pasukan at kung meron mang isang excited na ipatupad ang K to 12 sa ating educational system, isa na rito ang award-winning actor turned politician na si Yul Servo.

Sa palagay mo ba ang K to 12 ang tugon sa problema natin para maiangat ang kalidad ng edukasyon at ekonomiya ng ating bansa?

“Oo naman. Napapanahon na kasi siya. Sa buong mundo, halos tatlo na lang ang bansang hindi pa nagpapatupad nito tulad ng Pilipinas. Sa K to 12 kasi mas enhanced ang curriculum at mabibigyan ng sapat na panahon ang ating mga estudyante na mapag-ibayo pa ang kanilang kaalaman at kakayahan para may tamang “skills” na sila sa paghahanap ng trabaho,” paliwanag ni Yul.

“Ang bentahe rin nito, mare-recognize na ang ating mga professional sa anumang panig ng mundo kasi sa ibang bansa tulad ng Amerika at Europe, prescribed ang 12-year basic education,” dugtong niya.

Ano ang masasabi mo sa mga puna na walang kahandaan ang ating gobyerno para ipatupad ang nasabing programa dahil sa kakulangan ng “resources”?

“Hindi siya maipatutupad kung hindi pahihintulutan. Marami tayong “resources”. Magaling ang mga guro natin at mga estudyante. Sa simula lang siya mahirap,” pahayag niya.

May mga nagsasabing maraming madi-displace sa ating mga guro kung sakaling ipatupad ang K to 12. Ano ang opinyon mo rito?

“Noong binabalangkas pa naman ito, may mga contingency plan nang inilatag ang gobyerno. Minsan kasi, if you think of the big picture, may mga sakripisyo talaga pero iyong sakripisyo na iyon ay para naman sa kapakanan ng nakararami,” makahulugan niyang tugon.

Maliban sa paglabas sa teatro, telebisyon at pelikula, abala ang tsinitong konsehal ng Maynila sa kanyang mga proyekto sa kanyang mga constituents sa Maynila.

May mga advocacy projects rin siya sa out-of-school youths at sa mga marginalized Manilenos.Isa rin sa mga pinagtutuunan niya ay ang mga programa para i-promote ang sining at kultura ng Maynila.

Hindi rin ikinaila ni Yul Servo na may balak siyang tumakbo bilang congressman sa ikatlong distrito ng Maynila sa darating na 2016 national elections sa ilalim ng partidong Asenso Manileno.

Nasa cast si Yul ng “Baker King” ang Pinoy adaptation ng toprating Korean teleserye ng TV5 kung saan ginagampanan niya ang role ni Henry, ang ama ni Michael (Akihiro Blanco) na gagawin ang lahat para protektahan ang anak kay Takgu (Mark Neumann) sa karapatan nito sa mana ng makapangyarihang Lee business empire.

baker-king-cast

Huling napanood si Yul sa entablado sa “Pahimakas ng Isang Ahente” ng Tanghalang Pilipino at sa mga GMA TV shows na “Wagas” at “Kambal Sirena” noong 2014. Nasa cast rin siya ng St. Tropez Film Festival best foreign language film na “Dementia” na pinagbidahan ng Superstar na si Nora Aunor.

Leave a comment

Leave a Reply