
James Reid and Nadine Lustre welcomes healthy competition
By PSR News Bureau
Sa pagkakataong ito’y malamang na magkahiwalay muna ang boto ng mga JaDine fans dahil magkalaban sina James Reid at Nadine Lustre sa 4th Philippine Popular Music Festival o mas kilala bilang Philpop2015, isang songwriting contest na inorganisa ng Philpop Foundation kung saan tumatayong executive director si Maestro Ryan Cayabyab.
Tanggap naman nina James at Nadine na mahahati ang kanilang fans pero nakasisiguro silang hindi sila pababayaan ng mga ito. Si James ang napiling interpreter ng awiting “Musikaw,” isa sa mga finalists na kanta na mula sa komposisyon ni Melchor “MC” Magno Jr. Makakasama ni James sa pag-interpret ng nasabing awitin ang rapper na si Pio.
“I’m so grateful to Philpop for choosing me as one of the interpreters in this year’s competition. I’d like to think I’m perfect for the song because it has an RnB dance and vibe that’s ideal for the young. I think the song suits me very well. I had fun singing it, so I’ve to thank MC Magno for picking me,” sabi ni James nang makausap ng Philippine Showbiz Republic (PSR).
Masaya din ang ka-loveteam ni James na si Nadine Lustre dahil isa rin ito sa napiling maging interpreter. Kasama naman ni Nadine ang Calla Lilly frontman na si Kean Cipriano para naman sa pag-interpret ng kantang “Sa Ibang Mundo,” na komposisyon ni Mark Villar.
Pansamantalang maghihiwalay muna ang sikat na magkapareha dahil nga magkalaban sila ngayon para sa Philpop finals night song interpretation. “We welcome the healthy competition,” nakangiting sabi ni Nadine. “Yeah, it’s a healthy one. I think it’s nice for a change that we’re competing against each other here because we’re usually together. It’s nice for a change,” dagdag naman ni James.
Ayon pa sa sikat na tambalan, wala daw itong personalan. Magkahiwalay daw nilang tinanggap ang proyektong ito at isinangguni naman muna nila ito sa pamunuan ng Viva kung saan sila parehas may kontrata. “No, walang personalan ito. We support each other’s songs because they’re both very good. And we’re happy to be part of Philpop.”
Sigurado ang Philippine Showbiz Republic (PSR) na bagamat magkahiwalay ang kanilang mga iniidolo, buong-buo pa rin ang suporta ng JaDine fans sa dalawang magkahiwalay na entries nina James at Nadine.