May 23, 2025
Kim Chiu is all set to play her first mature role in “Etiquette for Mistresses”
Latest Articles This is it!

Kim Chiu is all set to play her first mature role in “Etiquette for Mistresses”

Jun 29, 2015

Rommel_Placente
By Rommel Placente

Kim Chiu is all set to play her first mature role in “Etiquette for Mistresses”

Untitled

Kasama si Kim Chiu sa pelikulang “Etiquette for Mistresses” mula sa direksyon ni Chito Roño. Gaganap siya rito bilang isa sa limang kabit na ang apat pa ay gagampanan naman nina Kris Aquino, Claudine Barretto, Iza Calzado at Cheena.

Ayon kay Kim, ang character niya sa pelikula ay malayo ito mula sa kanyang maituturing na ‘comfort zone’ role. Masasabi niya raw na talagang challenging ito para sa kanya kaya go raw siya for the challenge. “First time kong gagampanan yung ganitong klaseng role. First time na isang mature Kim Chiu ang mapapanood sa akin ng tao,” sabi ni Kim. Bilang paghahanda sa kanyang role, maghahanap daw ng batang mistress si Kim, kakaibiganin daw niya ito para tanungin ‘yung karanasan nito.

[divider]

Is there a silent gap between Gretchen Barretto and Dawn Zulueta?

wpid-Dawn-Zulueta-and-Gretchen-Barretto-300x219May alitan o tampuhan bang namamagitan kina Gretchen Barretto at Dawn Zulueta? May balita kasi na nang magkita raw ang dalawang aktres sa isang showbiz event ay nag-deadmahan sila as in hindi sila nagpansinan. Pansin ng mga nakakita sa dalawang aktres, parang hindi nga raw nila kilala at nakikita ang isa’t-isa. Kung okay sila, dapat ay nagbeso-beso sila nung nagkita sila roon, di ba?

Leave a comment

Leave a Reply