May 23, 2025
14th Cinemaone Originals Filmfest comes with ‘I Am Original’
Latest Articles

14th Cinemaone Originals Filmfest comes with ‘I Am Original’

Oct 2, 2018

Muli na namang hahataw ang pinakaaabangang piyesta ng pelikulang Pinoy: ang Cinemaone Originals na gaganapin mula Oktubre 12 hanggang 21.

Ayon sa festival director nitong si Ronald Arguelles, mas pinaigting at pinalawak ang lineup ngayong ika-14 na edisyon.

May tagline na “I Am Original,” siyam na pelikula na tatalakay sa mga pakikibaka, tagumpay, tuwa at kabiguan ng Pinoy.

Ang “A Short History of Few Bad Things” ni Keith Deligero ay isang napapanahong socio-political drama. Si Deligero ay nagwagi bilang Best Director sa Cinema One Originals noong 2016 para sa horror movie na “Lily.”

Isang fantasy comedy ang “Asuang” ni Raynier Brizuela, na mailalarawan bilang isang odd superhero inversion film.

Laugh out out comedy naman ang “Bagyong Bheverlyn” ni Charliebebs Gohetia tungkol sa kuwento ng isang sawimpalad na babae na merong super typhoon alter ego.

Intriguing mind games naman ang hatid ng “Double Twisting Double Back” ni Joseph Abello na isang erotic sports thriller na tatalakay sa mundo ng gymnastics at sa tema ng sex addiction.

Pinagsama naman ang elemento ng Third World espionage at old country folklore sa pelikulang “Fisting” ni Whammy Alcazaren.

received_878250689043760

Maituturing namang sequel ng “Numbalikdiwa” ang “Hospicio” ni Bobby Bonifacio na isang horror movie na papaksa sa isang bahay-ampunan.

Kakaiba namang mother and daughter story ni Rod Singh na “Mamu and a Mother Too” tungkol sa isang transgender na tumayong nanay sa kanyang transgender na pamangkin.

Balik sa animation si Carl Papa ng “Manang Biring” sa kanyang obrang “Paglisan,” na tatalakay sa kuwento ng mag-asawang naging kumplikado ang buhay nang dapuan ng pambihirang karamdaman ang isa sa kanila.

Ang prolific comedian naman si John Lapus ay sasabak sa “Pang MMK” ang kanyang directorial debut na tungkol sa kuwento ng isang anak na kailangang asikasuhin ang burol ng kanyang amang matagal na nawalay sa kanilang pamilya.

Maliban sa main competition program, mapapanood din sa Cinemaone Originals filmfest ang mga feature short films, restored classics at internationally acclaimed at award-winning foreign films.

Aside from the main competition program, this year’s Cinema One Originals Film Festival will feature short films, restored classics, and internationally acclaimed and award-winning foreign films.

Ang 14th Cinemaone Originals filmfest ay idaraos sa mga piling sinehan sa Power Plant sa at Rockwell at Santolan Town Plaza, TriNoma, SM Megamall, SM North EDA, SM Sta. Mesa, Glorietta 4, Gateway at iba pang micro cinemas.

Leave a comment