May 22, 2025
Aldub and ‘Eat Bulaga’s ‘Sa Tamang Panahon’ Concert sold-out in just three days
Home Page Slider Latest Articles Music

Aldub and ‘Eat Bulaga’s ‘Sa Tamang Panahon’ Concert sold-out in just three days

Oct 20, 2015

by PSR News Bureau

aldub-concert Wala na ngang makapipigil pa sa patuloy na pagsikat ng pinakamainit na tambalan sa bansa. Matapos na maging available sa publiko ang tickets para sa nalalapit na concert ng ‘Aldub’ at ‘Eat Bulaga’ na pinamagatang “Tamang Panahon” na magaganap sa Philippine Arena nitong darating na Sabado, October 24, naubos kaagad ang ticket pagkatapos lang ng tatlong araw mula ng inilabas ito.

Nakagawa na naman ng history ang tambalang ‘AlDub’ nina Alden Richards at Maine Mendoza at muli nilang pinatunayan na hindi lang sila pang ‘trending’ sa Twitter o Social Media malakas, kung hindi maging sa matinding pagsuporta ng kanilang fans para sa isang malaking concert para sa kanila. Tiniyak naman nina Alden at ng bumubuo ng ‘Eat Bulaga’ na hindi mabibigo ang fans at masusulit ang bayad nila na pinambili ng mga tickets dahil siguradong mage-enjoy sila sa kanilang mapapanood. Pinaghahandaan nga nila ang mga production numbers para sa nasabing concert.

alden_richards_1442990446Inaabangan na rin ang pagkanta ni Alden ng kanyang hit cover song na ginamit na theme song sa kanila ni Maine na “God Gave Me You” na orihinal na inawit ni Brian White. Pakikiligin nina Alden at Maine ang mga manonood kaya’t ngayon pa lang ay natutuwa na ang milyong Pilipino na sumusubaybay dito, maging ang ilang foreigners na naaaliw sa tambalan ng dalawa ay nakaabang din. Kaugnay nito, nagpasalamat naman agad si Maine Mendoza sa kanyang social media account na Twitter sa lahat ng tumangkilik na ng ticket at nag-promise ito sa lahat na ‘it will be a good show.’

Maging ang VIP tickets ay naubos rin agad kahit pa nagkakahalaga ito ng P1,200. Dinagsa rin ng AlDub fans ang iba’t-ibang ticket outlets sa paghahanap pa ng ekstrang tickets. Gaganapin ang “Sa Tamang Panahon” concert sa Philippine Arena na may seating capacity na 55,000 at tinatayang largest arena sa buong mundo.

Leave a comment

Leave a Reply