May 22, 2025
Jeric Gonzales proves his acting talent; admits having a crush on Liza Soberano and Julia Montes
Faces and Places Latest Articles

Jeric Gonzales proves his acting talent; admits having a crush on Liza Soberano and Julia Montes

Nov 18, 2015

by Rommel Placente

Nung baguhan pa lang sa showbiz si Jeric Gonzales, maraming nagsasabi na guwapo lang daw siya pero hindi naman marunong umarte. Pero nagbago ang paningin ng mga detractors niya nang mapanood siya ng mga ito sa isang episode ng “Magpakailanman” na pinagbidahan niya titled “Anak Mo Kabit Ko,” kung saan ay gumanap siya bilang kabit ng kanyang madrasta played by Ina Raymundo.
“Masaya ako siyempre na finally napapansin na yung akting ko. Lahat naman ng bagay napapag-aralan, nadi-develop,”sabi ni Jeric sa panayam sa kanya ng Philippine Showbiz Republic (psr.ph).
Masasabi ni Jeric na ang naging role niya sa “Magpakailanman” ang pinaka-challenging na nagawa niya so far.
Hindi ba siya napipikon pag sinasabihan siya noon na banong umarte?

“Hindi naman!”sagot niya. Ayon kay Jeric, naiintindihan niya iyon. “Yung mga ganung puna sa akting ko ng mga detractors ko, tini-take ko ‘yun as constructive criticism para mas pagbutihan ko pa yung akting ko. At masaya naman ako na marami sa mga nakapanood nung episode na yun sa ‘Magpakailanman’ ang nagsabi na magaling ako run. Siguro, isang factor din kung bakit nailabas ko yung nalalaman ko sa pagganap aydahil mahuhusay na mga artista yung nakasama ko run, sina Ms. Ina [Raymundo] at kuya Joko Diaz. Parang nakakahiya naman sa kanila kung hindi ako makakaarte ng tama o makasabay man lang kahit paano sa level ng acting nila,”paliwanag pa ng binata.
Tungkol naman sa usaping lovelife, ayon sa binata ay loveless siya ngayon. Huli siyang nagka-girlfriend nung nasa college pa siya. Hindi naman kasi ito ang kanyang prayoridad.
“Sa ngayon,date-date lang muna ako. Non-showbiz yung mga nakaka-date ko,” sabi pa nito.
May showbiz crush ba siya na given a chance, gusto niyang maka-date?

“Sina Julia Montes at Liza Soberano,” sagot ng binata. “Parehas kasi silang maganda kaya crush ko sila.” Hindi pa nakikita ni Jeric ng personal sina Julia at Liza.
“Napapanood ko lang sila sa TV at pelikula. Pero siyempre, gusto ko silang makita ng personal at makilala,”pagtatapos ng guwapong aktor.

Leave a comment