
Elmo Magalona is now a Kapamilya
Isa nang Kapamilya ang dating Kapuso na si Elmo Magalona pagkatapos niyang pumirma ng kontrata sa ABS-CBN 2 nung Huwebes, November 26 ng tanghali. Ayon kay Elmo, hindi raw totoo na kaya siya lumipat sa Dos ay dahil napabayaan siya sa dati niyang home studio.
“Hindi po yun yung nasa isip ko kung bakit ako lumipat. Hindi ko naman po iniiwan yung five years na experience ko na ibinigay sa akin ng GMA. Kasi that’s what put me into my spot now. Yun ang nag-mold sa akin,” sabi ni Elmo nang makausap siya ng Phiippine Showbiz Republic (psr.ph) sa presscon na binigay sa kanya ng Kapamilya network.
Natapos ang kontrata ni Elmo sa GMA 7 nung September ng taong kasalukuyan. At nagkataon na nagkaroon ng offer sa kanya ang Dos.
“Few weeks after natapos contract ko sa GMA, that’s when I got my offer,” kuwento ni Elmo. Hindi naging madali kay Elmo ang naging desisyon niya na lumipat sa kalabang istayon ng Kapuso.
“More on pinag-usapan po namin ni Mom [Pia Magalona] kasi she manages me. It took a while, it was a thinking process talaga. Pero naging mutual po ang decision namin.”
Ang unang proyekto na gagawin ni Elmo bilang isa nang Kapamilya ay ang drama series na pagtatambalan nila ni Janella Salvador na “Born For You”
“Kaka-meet ko lang kay Janella this week. I think it’s cool na parehas kami coming from a family of musicians,” sabi pa nito sa magiging kapareha.
Paano niya idi-describe si Janella?
“Bubby and very energetic,” sagot ni Elmo.
Abangan na lang natin ang bagong loveteam na Elmo-Janella. In fairness, may nakikita rin naman kaming chemistry sa dalawang teen stars.