
Marian and Dingdong finally shows pictures of baby Maria Letizia
by PSR News Bureau
Makalipas ang sampung araw matapos manganak ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera, ipinakita na rin nina Dingdong Dantes at Marian ang larawan ng kanilang panganay na si baby Maria Letizia. Ibinahagi ng mag-asawa ang larawan ng anak nila sa kanilang respective Instagram accounts na ikinatuwa naman ng kanilang mga tagasubaybay. Kung noong umpisa ay mga daliri lamang ni Baby Z ang ipinost ni Dingdong, ngayon ay makikita na ang cute na cute na litrato ni Zia. Tulad ng inaasahan, napakagandang bata ng anak nila dahil tunay nga na kombinasyon na pinagsamang ganda at kaguwapuhan nina Marian at Dingdong ang makikita sa bata.
Emosyonal ang mga naging mensahe ng mag-asawa, lalo’t higit nung mga ipinost ni Marian.
“41 weeks akong naghintay, 18 hrs na nag labor. Sa mga oras na iyon, hindi ko inaasahang makakaya ko ang lahat.
“Pero dahil andiyan ka sa tabi ko, sa iyo ako kumuha ng lakas. Salamat Mahal ko @dongdantes.”
“At sa araw na iyon ng Nov 23, tuluyan na talaga tayong naging kumpleto; kasama ng Panginoon, ikaw, ako at siya– si Maria Letizia. Ngayon, masassbi ko na tayo’y isa nang ganap na pamilya, at ako’y isa nang ganap na ina.
“Napakasarap ng biyayang ito. #MariaLetizia.”
Sa pagpapakilala naman ni Dingdong, sinabi nito sa caption ng larawan na kanyang ibinahagi sa Instagram: “I may have a thousand photos of you already, but this one taken 8 days ago is definitely in my top 10. #MariaLetizia”