May 23, 2025
Kean Cipriano on girlfriend Chynna Ortaleza: “She’s my sanctuary.”
Faces and Places Latest Articles

Kean Cipriano on girlfriend Chynna Ortaleza: “She’s my sanctuary.”

Dec 7, 2015

by PSR News Bureau

chynna-keanPersonal na kilala ng Philippine Showbiz Republic ang aktres na si Chynna Ortaleza. Saksi nga kami sa matagal na naging relasyon ng aktres at ng ex boyfriend nito na si Railey Valleroso na mas pinili na lamang na umalis sa showbiz at mag-concentrate na lang sa business nito. Kaya’t isa kami sa mga nanghinayang nang mauwi lang sa hiwalayan ang mahabang panahon nang pagsasama ng magkarelasyon. Kaya naman, masaya kami na matapos ang pakikipaghiwalay ni Chynna sa kanyang ex boyfriend ay muli na naman may nagpapatibok ng puso ng Kapuso actress. Inamin na nga nitong sila na nga ng Calla Lily frontman na si Kean Cipriano.

Sa pagdiriwang ng ika-33 na kaarawan ni Chynna, may isang sorpresa na tiyak na ikinakilig niya mula kay Kean nang mag-post ito ng isang romantikong tula na kanyang ginawa para sa nobya sa kanyang personal nitong Instagram account:

“She is the meaning of life.”

“She makes the world go round.”

“She wipes away all those tears.”

“She smiles and I go crazy.”

“She inspires me in every single way.”

“She listens to every chord, every word.”

“She keeps me calm, she is my peace.”

“She’s got the face I call home.”

“She is the most beautiful human being.”

“She is the heart that keeps me alive. She is my Sanctuary.”

“She keeps me closer to Him.”

“She is God’s beautiful work of art.”

Leave a comment

Leave a Reply