
GlobalPort guard Terrence Romeo’s 33 points powers over Meralco Bolts
by Justin P
Noong Miyerkules, December 9, nanalo ang koponan ng GlobalPort laban sa Meralco Bolts. Nakakuha si Terrence Romeo ng game-high na 33 points ngunit naniniwala siya na marami pa siyang kailangan matutunan sa paghaharap nila ng nasabing koponan.
“Iba pa rin yung Kuya Jimmy [Alapag],” ani Romeo. “Hindi mo pa rin puwede ikumpara yun. Si Kuya Jimmy, para sa akin, sobrang layo na (ng naabot) nun.”
“Sabi ko nga sa kanya, yung ginawa niya nung huli, gusto kong ituro niya sa akin,” Dagdag niya. “Hindi ko akalain na titira siya ng ganun kalayo. Tapos pag mga crucial game, gusto ko matutunan kung paano siya maging composed.”
Mukhang patungo sa tamang direksyon ang guard ng GlobalPort na si Romeo pag-amin ni Alapag na marami siyang nakikita na pagkakapareho nila ng guard ng Batang Pier.
“He reminds me a lot of myself in his work ethic,” komento ni Alapag. “He really understands what it takes to be great. He really uses every day to continue to get better. You see it in his physical appearance and his ability. That’s a credit to him for all the work that he puts in.”
“I was really excited to see him during this PBA season because I knew that Gilas experience would only make him better. And it has,” dagdag niya.
Ito ay malaking dagdag sa kanyang career at tulong sa pag-angat sa pagiging magaling na manlalaro sa PBA.
“Terrence is one of the guys in the league that is part of the present and he’ll be the future,” said the former league MVP. “He’ll continue to raise the bar for the next guards who come in seven, eight years from now.
Si Alapag ay nagkaroon ng career high sa assist at nag-solo slot siya sa number 5 sa assists leader ng all time ng PBA.
The scores:
GLOBALPORT 108 – Romeo 33, Pringle 19, Washington 15, Mamaril 8, Yeo 8, Jensen 7, Kramer 7, Maierhofer 6, Sumang 3, Semerad 2.
MERALCO 104 – Alapag 18, Hodge 17, Nabong 13, Hugnatan 12, Faundo 11, Newsome 10, David 8, Buenafe 7, Dillinger 4, Amer 3, Caram 1, Al-Hussaini 0.