
Solenn Heusaff marries in Argentina
by PSR News Bureau
Kakaumpisa pa lang ng taong 2016, pero dalawa na kaagad ang couples mula sa showbiz na ikinakasal bago matapos ang nakaraang taon. Ilan sa mga nagpakasal bago matapos ang taon ay sina Chynna Ortaleza at Kean Cipiriano at maging ang sexy actress na si Solenn Heusaff at ang long-time Argentinian boyfriend nito na si Nico Bolzico. Itinago ni Solenn ang detalye ng kanyang kasal sa publiko maliban na lang sa lumabas na larawan kung saan sinukat ng aktres ang kanyang wedding gown na ipinakita mismo ng couturier na gumawa gown at kaibigan ng aktres na si Boom Sason.
Kakaiba ang naging pangkasal ni Solenn. Gawa ito sa lace bodice at may sheer skirt. Ayon kay Sason, personal na ipinagawa ni Solenn sa kanya ang gown ng aktres. Ayon sa mga nakasaksi sa pag-iisang dibdib nina Solenn at Nico, napaka-intimate lang daw ng nasabing kasal kung saan tanging mga malalapit na kaibigan at kamag-anak lamang ang imbitado.
Naganap ang kasal noong December 29, sa bayan ni Nico sa Buenos Aires, Argentina. Ilan sa mga naging saksi ay sina Anne Curtis kasama ang nobyo nitong kapatid ni Solenn na si Erwan, ang aktres na si Isabelle Daza at modelong si Georgina Wilson.
Mula sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph), our best wishes and congratulations kina Solenn at Nico