May 23, 2025
Isabel Oli and John Prats reveal the gender of their baby
Home Page Slider Latest Articles

Isabel Oli and John Prats reveal the gender of their baby

Jan 7, 2016

by PSR News Bureau

isabelIniahayag na nina Isabel Oli at John Prats ang gender ng kanilang magiging baby na tinawag nilang “baby dynamite” bilang pagsunod sa taguri kay John sa kagalingan nito sa dance floor.
Matatandaang ikinasal si Isabel kay John nitong nakaraang taon na buwan ng Mayo. Nag-post ng espesyal na video sa kanilang YouTube channel si John. Ang naturang video ay kinunan sa pag-aari ng pamilya Prats na Nayomi Sanctuary Resort sa Batangas kung saan ikinasal rin ang dalawa. Dito sa nasabing video ay inihayag nila kung ano ang magiging kasarian ng kanilang unang magiging supling. At babae ang kanilang magiging panganay ayon na rin sa ultrasound na nakita nila. Sinabi rin nila dito kung ano ang gusto nilang ipangalan sa kanilang magiging anak. At ang napili nilang pangalan para kay #babydynamite ay “Feather.”

Mula sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph), Congratulations sa inyong magiging baby girl John at Isabel!

Leave a comment

Leave a Reply