May 23, 2025
“He’s more like a father to me. I won’t be where I am now without him.” – Jake Vargas on his mentor, the late German “Kuya Germs” Moreno
Home Page Slider Latest Articles

“He’s more like a father to me. I won’t be where I am now without him.” – Jake Vargas on his mentor, the late German “Kuya Germs” Moreno

Jan 12, 2016

by PSR News Bureau

Jake-Vargas-300x300

Isa sa mga siguradong ‘napilay’ sa pagkawala ni Kuya Germs ay ang pinakahuli niyang binigyan ng atensiyon at suporta na itinuring ding anak ay si Jake Vargas. Pinagmalasakitan ni Kuya Germs si Jake at isinaayos nito maging ang pamilya nito. Nang pumanaw ang ina ng young actor ay hindi niya binitiwan ito, patuloy siyang iniakay sa tamang landas.

Kahit sa malalayong probinsiya ay kasakasama ni Jake si Kuya Germs dahil sinigurado nitong hindi mapapariwara ang aktor. Ganun katindi ang ginawang pag-aalaga ni Kuya Germs para kay Jake. Kaya naman, ngayong wala na ang kanyang pinakamamahal na ama-amahan, ipinapangako ni Jake na hindi niya bibiguin si Kuya Germs. Iniwanan ni Kuya Germs si Jake na mayroon ng kahit paano’y masasabing pangalan na sa GMA. Mayroon itong regular na trabaho at bumibida na rin sa mga teleserye.

Kuwento nu’n ni Shalala [malapit na kaibigan ni Kuya Germs at co-host sa radio], “Talagang inalagaan niya nang husto si Jake, tutok na tutok siya sa bagets dahil alam mo naman ang mga kabataan ngayon, madaling matukso sa mga bisyo.

“Si Kuya Germs talaga, mino-monitor niya ang mga lakad ni Jake. Kahit sa Olongapo si bagets, talagang nagtse-check siya. Mahirap na nga naman, di ba?” kuwento ng komedyante. Sa isang panayam sa young actor nu’ng isang araw lang ay parang hindi ito makaiyak.

Ayon naman mismo kay Jake na halata pa rin ang matinding lungkot sa mga mugtong mata nito, “Hindi ko lang po siya manager, tatay ko po siya. Napakalaki po ng naitulong niya sa akin, hinding-hindi ko po siya makakalimutan. Kung wala po si Kuya Germs, wala pong Jake Vargas sa showbiz.”

Sadyang napakaraming tao ang natulungan ng Master Showman na si Kuya Germs kung kaya’t hindi na nakapagtataka na bumaha ng luha at dalamhati sa Mt. Carmel Chapel sa New Manila ngayon kung saan nakalagak ang mga labi nito. Muli, nakikiramay ang buong Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) sa naiwang pamilya ni Kuya Germs.

jake_vargas_0

Leave a comment

Leave a Reply