
Pauleen Luna’s mother remains mum on her daughter’s wedding details
by Rommel Placente
Nag-text kami kay Mommy Chat, ang butihing ina ni Pauleen Luna para kumuha ng detalye tungkol sa nalalapit na kasal ng kanyang panganay kay Vic Sotto. Tinanong namin siya anong date nitong January ang kasal ni Pauleen at kung saan ito gaganapin. Pero sa reply sa amin ni mommy Chat, humingi siya ng pasensiya dahil hindi raw niya masasabi sa amin kung saan gaganapin ang kasal. Ayaw daw kasi nila ‘yun ipaalam sa publiko. Ang gusto raw kasi nina Pauleen at Vic ay talagang maging private lang ang kanilang kasal na hindi ito magiging parang isang ‘carnival’ na maraming tao ang pupunta at mag-uusisa. Pero ang date naman ng kasal ay sinabi sa amin ni mommy Chat at ‘yun daw ay sa January 30 magaganap.
Renz Michael pays his last respect to his ‘Tatay Germs’
Isa sa mainstay ng seryeng “Doble Kara” na pinagbibidahan ni Julia Montes na si Renz Michael ang sobrang nalungkot nang sumakabilang-buhay si German Moreno. Si Kuya Germs kasi ang isa sa tumulong at nagbukas ng pintuan sa kanya para makapasok siya sa showbiz. Kinuha siya nito para maging bahagi rati ng “Walang Tulugan With The Master Showman.” Sa Facebook post ni Renz ay sinabi niya na, “Rest in peace tatay Germs! Isa kayo sa nagbigay ng pagkakataon sa akin na makapasok sa industriya. Utang na loob ko sa inyo na maging part ako ng “Master Showman.” Lagi ninyong sinasabi sa amin na kaya ka nabubuhay kasi misyon ninyo na matupad ang pangarap sa mga katulad namin na nangangarap na makapagpasaya ng tao. Maraming salamat Tay! Sobra-sobra na po ang nagawa ninyong tulong na di namin kayang suklian kung hindi pagmamahal sa inyo.. Mahal ka namin Tatay Germs Moreno!!”