
Pops Fernandez meets ex hubby Martin Nievera and Katrina Ojeda’s son
by PSR News Bureau
Nagkaroon ng katuparan ang matagal nang inaasam na wish ni Martin Nievera noong kapaskuhan matapos magkasama-sama ang kanyang tatlong anak kung saan nakasama rin nila ang kanyang ex wife na si Pops Fernandez. Ayon kay Martin, matagal na ring gustong makilala ng personal ni Pops ang bunsong anak niyang si Santino, ang 9 years-old na anak niya kay Katrina Ojeda na naka-base na ngayon sa Amerika.
“She [Pops] always wanted to meet Santino because ever since he was a baby, I would share pictures with her,” kuwento ni Martin sa presscon ng gaganaping Valentine concert nito kasama sina Erik Santos at Angeline Quinto.
Hindi naman daw mahirap para kay Pops na tanggapin ang anak niyang si Santino dahil hiwalay naman na daw silang dalawa nang maging anak niya ito. “Pops is more matured than most women. She’s always wanted to meet Santino and when they finally met, it was magical. They used to know each other through Facetime lang,” dagdag ni Martin.
“So immediately, after he got off the car, Santino said, ‘Tita Pops,’ then we were in Disneyland for like five days and it’s usually very hard to pull him away from a magical place like that. But when he learned he’s going to meet Pops after Disneyland, he was that eager to leave the place. That’s how he yearns to meet her.”
Napaliwanag naman na daw ni Martin kung sino si Pops. “This is the mom of Kuya Robin and Ram.” Kapag nasa tamang edad na raw ito at mas nakakaintindi na, doon na lang daw niya ipapaliwanag pa ng mas maigi ang lahat.
Pero aminado si Martin na tila nakumpleto ang kanyang kasiyahan nitong nakaraang Pasko. Ito lang kasi ang kauna-unahang pagkakataon na nakasama niya ang lahat tatlong anak niya ng sama-sama. “It was the moment I’ve long been waiting for. I don’t know how everyone will accept it but it doesn’t really matter. What matters is that my kids were together which is all I ever wanted for Christmas. I got my wish and Pops’ wish for many, many years. It has been her wish to meet Santino.”
Ganito daw ang gustong mangyari bilang isang family tradition ni Martin sa kanyang pamilya. Hindi kasi malilimutan ng singer ang family bonding nila ng kanyang mga anak na lalaki. Hangad daw niya na magpatuloy ito taun-taon para kahit minsan lang sa loob ng isang taon ay makita at makasama niya ang kanyang mga anak.
Muling mapapanood ang Concert King sa darating na February 13 para sa pre-valentine concert nito kung saan makakasama niya sina Regine Velasquez Angeline Quinto at Erik Santos na may pamagat na Royals, 8PM sa Mall of Asia Arena at February 14, sa araw mismo ng Valentines, sa Waterfront Hotel and Casino sa Cebu City.