
Alaska Aces’ Excimiano limits GlobalPort Romeo’s offense
by Justin Pisuena
Noong Martes, Enero 12, nakakuha ng career-high si Chris Excimiano ng 19-points at ang naging field goals niya ay 8 out of 11 sa loob ng 23 minuto sa kanyang playing time ngunit mas binigyan niya ng ang pokus ang pagbabantay niya sa guard ng GlobalPort na si Terrence Romeo.
“Thankful ako sa [career-high], but for me, bonus lang sa akin yun. Kasi alam naman natin na role ko more on defense talaga,” bulalas ni Exciminiano matapos tulungan ang Alaska kontra GlobalPort 4-1.
“Mas proud pa rin talaga ako sa defense ko. Hopefully, lagi ko nang magawa na dumi-depensa ako and at the same time, nakaka-offense.”
Ang naging papel ni Excimiano ay limitahan o dipensahan diumano si Romeo, ang isa sa mga best scorers ng league. Noong game 1 ay naka-limang minuto lang si Excimiano kaya nakakuha ng 41-points si Romeo ang kanyang career-best.
Excimiano ay nakakuha ng 19-points, 5 rebounds, 1 assist, 3 steals at 0 turnovers. Magkasama bilang college teammates ang dalawa sa Far Eastern University sa loob ng tatlong taon at ayon na rin kay Excimiano ay familiar na daw siya sa laro ni Romeo, ganoon din si Romeo sa kanya.
“Nakatulong din kasi magkaibigan kami ni Terrence eh. All throughout college, lagi kaming magkasama niyan so alam ko kung paano siya maglaro, alam niya laro ko. But Terrence is Terrence e, mahirap talaga depensahan yan.”