June 6, 2025
Home Page Slider Latest Articles

Solenn Heusaff denies being married in Argentina

Jan 19, 2016

by PSR News Bureau

20160101-Solenn_Heussaff

 

Hindi na nagtataka ang Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) sa pagdi-deny ni Solenn Heusaff tungkol sa kanyang napabalitang pagpapakasal sa Argentina kamakailan lang. Sa aming palagay, pinoprotektahan lang nito ang kanyang career lalo pa’t mayroon siyang pelikulang nakatakdang ipalabas. Hindi nga naman makakatulong sa kanyang karera kung kaagad itong aamin na nagpakasal na siya. Sa kalakaran kasi ng industriya ng showbiz, kapag ang isang artista, mapa-babae man iyan o lalaki, sa oras na mag-asawa, para bang bumababa ang kalidad o halaga niya sa showbiz dahil magkakaroon na na limitasyon sa mga puwede nitong gawin at hindi na rin magiging kapanipaniwala ang pagpareha sa kanya sa kapwa artista.

Solenn-Heussaff-Wedding-1024x1017Kaagad bingyang linaw ni Solenn na hindi pa raw siya kinakasal. Ang nangyari raw sa Agentina ay isang selebrasyon at pagdiriwang pa lang. Technically daw ay single pa siya. Pero hindi ba’t ang mismong bestie niya na si Isabelle Daza ang unang nagkalat ng balitang ito sa social media kung saan binate niya ang kaibigan at ang kapartner nito bilang Mr. and Mrs. Bolzico? Bukod pa riyan, ang kaibigang designer ni Solenn na si Boom Sason na siyang tumahi at gumawa ng gown na isinuot ni Solenn sa kanyang ‘kasal’ na idini-deny nito ngayon.

Sinulat ni Boom Sason sa social media account nito kung saan masaya niyang ibinalita na ikakasal ang kanyang kaibigan sa isang lugar malapit sa lawa: “My beautiful friend Sos [Solenn], who bears all the qualities I always admired in a woman, wears her custom @boomsasonweddingclassics gown tonight for her lakeside civil union and reception in Argentina ❤ love you Sos! Congrats and Best wishes to you and Nico!”

Nagmumukha tuloy desperado si Solenn na paniwalain ang publiko na hindi pa siya ikinakasal. Mahirap intindihin ang kanyang pag-iinarte pero para sa ilan na gamay na ang showbiz, naiintindihan nila kung bakit kinakailangang magdahilan ni Solenn at itanggi ang kanyang pagpapakasal kay Nicol Bolzico.

solenn-011616

Binigyang linaw ni Solenn na ang naganap sa Argentina ay isang selebrasyon lamang ng kanilang nalalapit na ‘kasal.’ Humingi rin ang aktres nang dispensa sa publiko na bagamat isa raw siyang public figure, nais daw niyang ibahagi naman ang mga magiging larawan at video sa kanyang actual na kasal na naka-set sa bandang huling buwan ng 2016. Ayon pa kay Solenn, hindi raw niya ito itatago sa publiko.

gwhgrwh“Highlight of my trip: our union in Argentina. Although I am a public figure – I still choose to keep some things private. Many people feel they have the right to judge and speculate whether or not we got married etc. I’m in the process of fixing many papers after our celebration in Argentina and I am currently busy prepping for my wedding later this year.

I always said I would share after the wedding to keep it private and since it hasn’t happened yet – I haven’t shared! Please respect my privacy in this journey. I will only get to live once and id like this milestone to be celebrated pirvately first, then shared. I promise when it happens you will know! ill be sharing all the photos and videos of my union, celebration and upcoming wedding once its all done. That’s all for now folks! Lol”
So there you have it folks, klaro na hindi pa nga kasal si Solenn. Ikakasal pa lang ang seksing aktres sa kanyang nobyong hunk sa katapusang bahagi ng taong kasalukuyan.

 

Leave a comment

Leave a Reply