
Andre Paras gives up basketball for showbiz
by PSR News Bureau
Hindi naging mahirap para kay Andre Paras na kalimutan ang kanyang minahal na basketball career bilang isang varsity player kapalit ng anumang kasalukuyan niyang tinatamasa sa showbiz. Aniya, sariling desisyon ni Andre ang mag-focus at mas pagtuunan ng pansin ang pag-aartista kay sa ang pagiging aktibo sa basketball. Ito rin daw kasi ang napagkasunduan nila ng kamyang amang si Benjie Paras.
“Of course, nalulungkot din po ako nung nalaman ko that I have to give up basketball. It’s something I loved, I’ve been doing it since I’m six years old. Pero of course, I also love this. (acting).”
“I love to entertain people, I love looking silly for people, I just love putting smile on people’s faces. And then just knowing na this is an effective way to entertain, I grabbed the opportunity to be here and kahit na mag-sleep late, I’ll do anything for the people basta ma-entertain ko sila. And that’s really important para sa akin,” paliwanag pa ng guwapong hunk.
Hinahayaan na lang daw niya ang basketball career sa nakababatang kapatid nitong si Kobe na sa kasalukuyan ay ‘humahataw’ ang basketball career sa Amerika. “Opo, tanggap ko po na mas deserving si Kobe na mag-excel sa sports kaysa sa akin. And as his brother, full support po ako sa kanya sa basketball.”
Ayon pa kay Andre, si Kobe daw ay mayroong girlfriend sa ngayon at in love na in love daw ito kaya naman inspirado lalo sa basketball. Masaya raw siya para sa kapatid. “I’m really proud of him kasi his girlfriend is there for him. I’ve met the girl, mabait naman. And whatever happens naman, Kobe is doing well in basketball.”
Taliwas sa sitwasyon ng nakababatang kapatid, siya raw ay walang lovelife. “Wala, I’m single right now. i’m really happy naman with the way things are going on in my career. What I did is parang ginawa kong karelasyon itong career ko. I’m doing everything for it, sleeping late, waking up early and going home late.”
Ipinamulat daw sa kanya ng amang komedyante ang kahalagahan ng oportunidad lalo na sa pinili niyang propesyon gaya ng pag-aartista.
“You know, this is the job that I really love,” bulalas ni Andre. “Even if people say it’s hard, hindi mo magagawa, of course, I prove them wrong at the same time. So all the pagod, yung efforts–everything is parang nagiging happiness mo na rin kung iniisip mo what you love. You should love what you do.”
Wala pa naman daw siyang napupusuan sa panahon ngayon kaya’t ine-enjoy lang nya ang pagiging single. “As of now, wala po akong time for social life and lalo na po para makipag-date,” paliwanag ni Andre.
Hindi ba attaractive para sa kanya. Ang mga leading ladies niyang sina Yassi Pressman at Barbie Forteza?
Napakasuwerte nga daw niya dahil daladalawa ang kanyang mga nakakapareha, magkaibang babae pa ang kapareha niya sa TV at pelikula. Si Barbie sa TV at si Yassi sa pelikula. Pawang magaganda pa kaya’t wala kang itulak-kabigin sa kanila. Wala pa ba siyang napipili doon sa dalawa?
“Hindi ko po binibigyan ng malisya silang dalawa. Si Barbie, parang nakababata ko lang na kapatid, samantalang si Yassi, mabuting kaibigan at kabarkada lang po ang turingan naming dalawa. Siyempre, kung attractive, maganda silang parehas. Pero sakin po kasi, I’m here for work talaga at hindi para magkaroon ng girlfriend.”
“If ever I’ll have a girlfriend at this point in time, it would be very unfair if I don’t give her enough time. Kasi it’s always been work and sleep lang talaga for me. Even gym and basketball time, wala na rin.”
Pero pagod man daw siya sa trabaho, aminado si Andre na masaya siya sa ginagawa niya dahil marami siyang tao na nae-entertain.