May 22, 2025
Coleen Garcia isn’t really a big loss to “It’s Showtime”
Latest Articles Rodelistic

Coleen Garcia isn’t really a big loss to “It’s Showtime”

Jan 29, 2016

Huwag gawing malaking isyu ang pagkakatsugi ni Coleen Garcia sa programang “It’s Showtime.” Unang-una kahit naman present ang beauty niya  coleen garcia 2sa show ay hindi naman siya nakakatulong. Sorry to say pero pang-dekorasyon lang siya sa naturang noontime show at hindi makakaapekto o hindi ikakabagsak ng programa ang pagkawala niya. Puwede pa sigurong ikapilay ng show kung ang boyfriend niyang si Billy Crawford ang mawawala.

Sa totoo lang, napakalaki ng naiko-contribute at naitutulong ni Billy boy sa Showtime. Hindi lamang siya magaling na host at performer, marunong pa siyang makisama sa mga kasamahan niya sa noon time show na hindi katulad ni Coleen na marami raw nagrereklamo sa kanya dahil may attitude problem daw ito.


 

Kris Bernal’s “Little Nanay” edges Coco Martin’s “Ang Probinsiyano”

kris bernalIsa sa mga mataas ang ratings na Kapuso program ay ang “Little Nanay” na ngayon ay napapanood na pagkatapos ng 24 Oras. Katapat ngayon ng programa ang teleserye ni Coco Martin na “Ang Probinsiyano” sa Kapamilya Network. Base sa mga talang inilalabas ng AGB Nielsen noong nakaraang linggo sa ratings ng mga programang ipinapalabas sa telebisyon, ilang araw nang natatalo ng “Little Nanay” ang “Ang Probinsiyano.” Pero siyempre, marami ang nagtataasan ng kilay lalo na sa mga taga-suporta ng Dos dahil sabi nila mas pinapanood daw ang teleserye ni Coco.

Anyway, ang masasabi lang namin kahit saang oras ilipat ang Little Nanay na tinatampukan nina Nora Aunor at Kris Bernal ay patuloy itong tinatangkilik ng mga 3manonood dahil sa maganda nitong tema at values na nakikita sa ating mga Pilipino. Ganitong tipo na ng palabas ang nagugustuhan ng masang Pinoy.

** Sa pamamagitan po ng kolum na ito ay inaanyayahan po namin kayo na makinig sa aming radio program sa DZRJ 810 AM na Showbiz Galore. Mula Lunes hanggang Biyernes po yan, 3 to 4pm na handog ng Eight Trimedia Broadcasting Network. Kasama ko po sina Mildred Bacud, Leo Bukas at Rommel Placente bilang mga co-host.

Leave a comment

Leave a Reply