May 22, 2025
Former ‘That’s Entertainment’ mainstay Joed Serrano supports local talents as concert producer
Rodelistic

Former ‘That’s Entertainment’ mainstay Joed Serrano supports local talents as concert producer

Feb 1, 2016

Rodel

by Rodel Fernando

joed-serrano1-300x336Hindi man active on camera pero puspusan na sa pagpo-prodyus ng mga konsiyerto ang dating aktor at member ng That’s Entertainment na si Joed Serrano. Wala na yata talaga siyang balak na umarte pa sa TV o kahit sa pelikula. Kung sabagay, ang ginagawa naman niya ngayon ay bahagi pa rin ng pagmamahal niya sa showbiz. Siguro nga dahil ayaw niyang talikuran ang mundong minahal niya ng mahabang panahon ay humanap siya ng ibang paraan na hindi mawala rito at ito ngang pagpo-produce ang hinarap niya.

Noong una ay gusto naming magalit kay Joed dahil foreign acts ang binibigyan niya ng atensiyon pero nagkamali kami dahil may puso pala siya sa local talents. Bilang pagtulong sa mga talento natin, nakahiligan na niyang mag-eksperimento at sumugal kahit marami ang sumasalungat sa kanyang mga desisyon. Ilan sa mga sinubok niya upang ilagay sa napakalaking enteblado at venue ay si Vice Ganda. Maging si Ate Gay ay ganoon din ang kanyang ginawa na ikinataas pa nga ng kilay ng karamihan. Si Alex Gonzaga rin na hindi naman kagalingan mag-perform na tulad nina Vice at Ate Gay ay ipinaglaban din niya na bigyan ng solo concert. Katwiran kasi ni Joed, naniniwala siya sa mga kakayahan ng mga ito kaya naman nagtagumpay siya sa mga ginawa niyang sugal nang maituturing sa tatlong performer. As in tuwang-tuwa kami sa naging kapalaran ngayon ni Joed (kahit hindi kami nabayaran dati sa isang special na pinrodyus niya) bilang concert producer na tumutulong sa mga local talent. Big time na rin siyang maituturing at sana ay lalo pa siyang magtagumpay.
joed serranoSamantala, ang kanyang kumpanyang CCA Entertainment Productions ay may handog ngayong Araw ng mga Puso. Ito ay “Panahon Ng May Tama” #ComiKilig, a hilarious Valentine concert na magaganap ngayong February 13 sa Smart Araneta Coliseum. Kuwela ito at siguradong sulit ang ibabayad niyo dahil pinagsama-sama lang naman ang mga magagaling na komedyante ng bansa na sina Gladys Guevarra, Boobsie Wonderland at Ate Gay. Kasama rin si Papa Jack at sa direksiyon ito ni Andrew del Real.

Leave a comment

Leave a Reply