May 22, 2025
Papa Jack levels up as concert performer
Faces and Places Latest Articles

Papa Jack levels up as concert performer

Feb 2, 2016

Archie liao

by Archie Liao

papa jackBagamat hindi na bago kay Papa Jack ang pagpe-perform sa entablado dahil may sarili siyang gig sa Padi’s Point branches, ibang level at panibagong challenge sa kanya ang mag-perform sa bongga at mas malaking venue gaya ng Smart Araneta Coliseum.

Kung sa kanyang boses ay maraming kolehiyala at mga beking nabibighani sa kanyang radio show, lalo na namang madaragdagan ang kanyang mga tagahanga dahil nakatakdang i-showcase ni Papa Jack ang kanyang galing sa pagkanta at pagpapatawa sa kanyang nalalapit na concert.

Ibang fulfillment din kasi ang nararamdaman niya kapag kumakanta siya before an audience kung saan maraming nababatubalani sa sexy and husky voice ng charismatic DJ.

Paano ka nakumbinsi na mag-Araneta Coliseum?

“Actually, I almost turned it down. Ayokong maniwala na kaya na ito ng market ko, hindi dahil maarte ako o nag-iinarte ako. Kaya lang, sobrang overwhelmed ako dahil sa tiwala, break at opportunity na ibinigay sa akin ni Sir Joed (Serrano),” bulalas niya.

Hindi ka ba kinakabahan na makakatapat ninyo ang “Royals” nina Regine Velasquez, Erik Santos, Angeline Quinto at Martin Nievera na subok na ang hatak sa mga concerts?

“Noong una ngang nalaman ko na sila ang katapat namin, ninerbiyos ako pero I believe naman that I am in good company of tested and talented performers like Ate Gay, Gladys Guevarra and Boobsie,” paliwanag niya.

papa jack 2Ayon pa kay Papa Jack, maraming sorpresa ang inihanda niya para sa kanyang audience dahil level up na nga siya bilang isang concert performer.

Bilang isang DJ naman na nagbibigay ng mga love advice sa kanyang mga listeners on air, aminado si Papa Jack na may pagka-conservative pa rin siya lalo na’t pagdating sa kanyang pamilya.

“Alam naman natin na malakas ang temptation sa showbiz at hindi nawawala iyon sa linya ng trabaho ko. Pero may dalawa na akong chicks sa buhay ko. I have an eleven-year old daughter noong single dad pa ako. Then, naging dalawa na sila when I got married to my wife two years ago. Sa kanila ako, nagdra-draw ng inspirasyon,” aniya.

Sa kanyang pagbabalik-tanaw, ikinuwento niya na dati siyang professor sa PUP noong hindi pa siya aktibo sa showbusiness at paboritong topic na i-discuss niya ang tungkol sa “dangers of internet in today’s youth.”
Since nauuso ang pagkalat mga video scandals sa social media, ano ang maipapayo mo sa ating mga kabataan?

“Sa mga kabataan na nakakapanood, huwag na nilang ikalat o i-share. Kung baga, cliché as it may sound pero think before you click kasi isipin mo ang magiging epekto nang gagawin mo in the long run. Doon naman sa mga gumagawa ng videos, huwag na lang gumawa dahil magbo-boomerang din iyon sa iyo at pati na sa pamilya mo. Just do it with someone else privately,” pagwawakas ni Papa Jack.

panahonSi Papa Jack ang kauna-unahang DJ na magku-concert sa Smart Araneta Coliseum sa Pebrero 13 sa Valentine show na pinamagatang “Comikilig: Panahon ng May Tama.”

Kasama niyang magpapasaya at magpapasabog dito sina Ate Gay, Gladys Guevarra at Boobsie Wonderland.

Hatid ng CCA Entertainment ni Joed Serrano, ito ay mula sa direksyon ni Andrew de Real.

Leave a comment

Leave a Reply