May 23, 2025
1st TOFARM Film Festival kicks off headed by Direk Maryo J. Delos Reyes
Latest Articles Movies This is it!

1st TOFARM Film Festival kicks off headed by Direk Maryo J. Delos Reyes

Jul 22, 2015

Rommel_Placente
By Rommel Placente

tofarm-film-festival

May bagong pinagkakaabalahan ngayon si Direk Maryo delos Reyes. Siya ang napiling Film Festival Director at Adviser ng bagong tatag na 1st TOFARM Film Festival na dedicated sa mga magsasakang Pilipino. Ito ay isa sa mga proyekto at advocacy programs ng Universal Harvester Inc. (UHI), isang institusyong tumutulong sa mga magsasaka at ayon nga sa tagline nito ay “Kabalikat ng Magsasaka.”

“We came up with the idea of coming up with six films for the festival and these six films will be chosen by a committee. They will be given a grant of P1.5 million each. They may get other support or counterpart from sponsors and benefactors,” sabi ni Direk Maryo.

Ang tema ng film festival sa una nitong taon ay “The Plight of the Farmer: His Trials and Triumphs.” Magkakaloob sila ng cash prizes at trophies sa mga magwawagi. Ang Best Film ay magkakamit ng P500,000; 2nd Best Film – P400,000; at 3rd Best Film – P300,000.

Nakatakdang ganapin ang 1st TOFARM Film Festival at pagpapalabas ng anim na pelikula sa isang taon, July 13 – 16, 2016. Ang awards night ay sa July 16, 2016. Para sa iba pang detalye, bisitahin lang ang official website nila – www.tofarm.org.

Samantala, sinadya raw ni Direk Maryo na hindi umeksena noong panahon na kainitan ng usapin tungkol sa dati niyang alaga na si Jiro Manio nang matagpuan itong pagala-gala sa NAIA Terminal 3.

21eddf662“Lately kasi hindi ko siya nakikita, that’s why I am not in the position to talk about him. Kasi hindi kami nagkikita, hindi ko na nasubaybayan yung buhay niya, so wala akong kinalaman. At saka kung anuman ang sasabihin ko baka hindi tama. At saka ayokong makihalubilo sa mga bagay na hindi ko alam. Siguro tulungan natin siya to become a complete and whole person. Siguro showbiz for him may not be the right thing. I don’t know ha, pero iyon ang aking pakiramdam,”

Mabuti na lang daw at maraming tumutulong ngayon kay Jiro.

“Kay Jiro, gusto ko siyang maayos nang husto. Kaya lang para sa akin hindi ko kayang mag-isa, there has to be a concerted effort from other friends like who are there already like nandiyan sina Ai Ai (delas Alas), nandiyan sila Marvin (Agustin). Siguro dapat mag-meeting together with the family.”

Ngayon ay nasa loob na ng isang institution si Jiro at willing naman daw si Direk Maryo na tulungan ang dating alaga paglabas nito. Pero papayag ba siya na i-handle ulit si Jiro kung makikiusap ito sa kanya?
“E upon my conditions na at kung gusto niya. Kailangan tanungin natin yung may katawan, hindi yung pipilitin natin.”

[divider]

Vice Ganda and Coco Martin tandem for the film “Beauty and The Bestie”

For the first time ay magsasama sa isang pelikula ang magkaibigang sina Vice Ganda at Coco Martin via “Beauty and The Bestie” na isang action-comedy. Ang nasabing pelikula ay isa sa entries sa darating na MMFF 2015. Mula ito sa direksyon ni Wenn deramas.

7908b8997139cf07cc59428fc2a89703

Leave a comment

Leave a Reply