
1st ToFarm Film Festival winners announced
by Archie Liao
Inanunsyo na ang mga nagwagi sa kauna-unahang ToFarm Film Festival sa awarding ceremony nito na idinaos sa Makati Shangrila Hotel kagabi.
Wagi bilang best actress si Cherie Pie Picache para sa pelikulang “Pauwi Na”.
Sa kategoryang best actor, nag-tie naman sina Bembol Roco para sa “Pauwi Na” at ang baguhang Aeta actor na si Garry Cabalic para sa “Paglipay” (Crossing).
Pinagkalooban naman ng Jury Special Awards for outstanding film ang “Pauwi Na” nina Paolo Villaluna at Ellen Ramos at best ensemble acting ang cast ng “Pitong Kabang Palay” ni Maricel Cariaga.
Itinanghal na best director si Zig Dulay (Pauwi Na), ang acclaimed director ng mga obrang “Bambanti” at “M: Mother’s Maiden Name”.
Iniuwi naman ng pelikulang “Paglipay” (Crossing) ang best picture award kasama ang cash prize na P500,000. Sinundan ito ng “Pitong Kabang Palay” na tinanghal na second best picture na nagkamit namang ng P400,000 cash prize samantalang ang “Free Range” ang nakakopo ng third best picture at cash prize na P300,000.
Ito ang kumpletong listahan ng mga nagwagi sa kauna-unahang ToFarm Film Festival.
Best Supporting Actor: Micko Laurente (Pitong Kabang Palay)
Best Supporting Actress: Anna Luna (Paglipay)
Best Sound: Arnel de Vera (Pitong Kabang Palay)
Best Music: Lorenzo Nielsen (Pitong Kabang Palay)
Best Production Design: Mao Fadul (Pauwi Na)
Best Editing; Paolo Villaluna at Ellen Ramos (Pauwi Na)
Best Cinematography: Albert Banzon (Paglipay)
Best Screenplay: Maricel Cariaga (Pitong Kabang Palay)
Best Story:Paolo Villaluna at Ellen Ramos (Pauwi Na)
People’s Choice Award: Paglipay(Crossing)
Professional Responsibility Award: Kakampi
Ingenuity Award: Pilapil
Best Actors: Garry Cabalic (Paglipay) at Bembol Roco (Pauwi Na)
Best Actress:Cherie Pie Picache
Jury Special Awards: Outstanding Film –Pauwi Na
Best Ensemble-Pitong Kabang Palay
Best Director:Zig Dulay (Paglipay)
Best Picture: Paglipay
Second Best Picture: Pitong Kabang Palay
Third Best Picture:Free Range
Ang mga hurado sa script ay kinabibilangan ng mga pinagpipitaganang screenwriters na sina Jake Tordesillas at Roy Iglesias at acclaimed director na si Erik Matti.
Ang mga miyembro naman ng jury sa film competition ay sina Odyssey Flores, multi-award winning screenwriter Ricky Lee, Manunuri ng Pelikulang Pilipino chairperson Grace Javier Alfonso, veteran at award-winning director Peque Gallaga at ang 2016 Cannes best actress na si Jaclyn Jose.
Ang 1st ToFarm Film Festival ay brainchild ni Dra. Milagros How ng Universal Harvester, Inc. with multi-award winning director Maryo delos Reyes as festival director.
Sa naturang okasyon, inanunsyo rin na magkakaroon na rin ng kauna-unahang ToFarm Songwriting Competition.
Dahil sa tagumpay nito, pormal na ring binuksan ang pagtanggap ng mga kalahok sa ikalawang edisyon nito sa susunod na taon.
Ang ToFarm Film Festival ay may extended run sa SM Megamall mula Hulyo 20 hanggang 26 kung saan mapapanood pa ang anim na pelikulang kalahok dito.
Photos courtesy of Erickson de la Cruz
Photo Courtesy of Bernard Santos
For your comments/reactions write to artzy02@yahoo.com.