
2012 sa Manhunt International and 2015 Fashion Asia Top Male Model June Macasaet’s says, “the international pageantry should not only be watchful and afraid of Filipino women but also Filipino men.”
Isa daw sa naging napakasaya sa pagkakapanalo ni Neil Perez sa katatapos na Mister International 2015 ay ang kaibigan nitong si June Macasaet na isa ding pageant winner last 2012 sa Manhunt International at 2015 Fashion Asia Top Male Model.
Ayon nga kay June ng makausap ng Philippine Showbiz Republic (PSR), “Nakakatuwa naman dahil may Filipino na namang nanalo sa isang international pageant, isa na naman itong blessing sa bansang Pilipinas,
“At least napatunayan natin na hindi lang mga Filipina ang mga nananalo sa mga international pageant, maging mga Filipino nakakapag uwi din ng korona,
“Alam kong he really did his best at talagang pinamalas niya ang kanyang galing at charm nung finals night, dahil nadaanan ko rin yan ng sumali ako sa Manhunt International last 2012 at masuwerteng maiuwi ko ang korona,
“Naalala ko pa nga nung umalis siya para lumaban tinext ko siya ng, ‘brod just be nice to everyone, kasi kung para sa’yo ‘yan, mananalo at mananalo ka, good luck.’
“Napansin [ko] na isang bagay kaya naging malakas ang naging laban niya, kasi bukod sa Asian looking siya, hindi siya nag blend sa iba. Nag-standout yung looks niya sa ibang candidates, yun siguro yung naging edge niya,
“’Pag pinagsama-sama kasi ang mga candidates, may isang aangat at si Neil nga yun, kaya siya ang nanalo. Kaya hindi lang Pinay ang dapat nilang katakutan at abangan sa international pageant kung hindi pati Pinoy dahil palaban na rin ang mga Pinoy ha ha ha.”
Career for 2015
“Sobrang saya ko , kasi sobrang dami ng ginagawa kong projects ngayon like sa pagiging image model ko ng New Placenta for Men ay nalilibot ko ang buong Pilipinas para i-promote ito.
“Kasama ako sa newest soap ng ABS-CBN ang ‘Pasion De Amor’. Bad guy ako dito pero okey lang kasi napaka challenging nung role,
“So bukod sa modelling, nakatawid na rin ako sa acting sa ABS-CBN,
Manhunt International Title
“Hopefully this year maipasa ko na yung title ko, almost two years ko na ring hawak ito dahil two years na walang Manhunt International dahil nagkasakit yung organizer,
“Pero alam ko magaling na siya, kaya baka ngayong taon meron na ulit and sana Pinoy ulit ang manalo,” pagtatapos ni June.
[metaslider id=7674]