
2016 QCinema finalists bared
Pagkatapos ng masinsinang pagsasala, inanunsyo na ang organizers ng Quezon City International
Film Festival ang mga napiling kalahok sa Circle Competition ng pinakaaabangang piyestang
pampelikula ng taon.
Ang walong mapalad na napili ay ang “Ang Lubong ni Hesus” ni Victor Villanueva; “Ang
Manananggal sa Unit 22B” ni Prime Cruz; “Baboy Halas” ni Bagane Fiola; “Best. Partee.
Ever.” ni HF Yambao; “Gusto Kita With All My Hypothalamus”ni Dwein Baltazar; “Hinulid”
ni Kristian Cordero; “Purgatoryo” ni Roderick Cabrido; at “Women of the Weeping River”ni
Sheron Dayoc.
“Ang Lubong ni Hesus” ay isang Cebuano comedy-drama road movie tungkol sa kuwento ng
isang dysfunctional family na nabago ang buhay nang mamatay ang kanilang padre de
pamilyang si Hesus.
Ang “Ang Manananggal sa Unit 22B” ay tungkol sa isang manananggal na natutong umibig sa
isang lalaking sawi sa pag-ibig.
Ang “Baboy Halas” ay tungkol sa buhay ng isang mangangaso na nagiging baboy damo
pagkatapos na maengkanto sa isang misteryosong ilog.
Ang “Best. Partee. Ever.” ay isang silip sa buhay ng mga inmates sa isang city jail ayon sa
pananaw ni Mikey, isang discreet gay.
Ang “Gusto Kita With All my Hypothalamus” ay tungkol sa kapalaran ng apat na lalake sa
Avenida, Rizal; isang mandurukot, isang balo , isang estudyante at isang empleyado ng ukay-
ukay na pawang may koneksyon sa isang babaeng nagngangalang Aileen.
Ang “Hinulid” ay tungkol sa paglalakbay ng isang naulilang ina sa Kabikulan dala ang labi ng
kanyang anak at ang kanyang naging pakikipagsapalaran.
Ang “Purgatoryo”ay tungkol sa kuwento ni Ilyong, isang lalakeng napatay ng mga pulis
pagkatapos mahuling magnakaw at sa mga pangyayari sa pagsisiyasat ng kanyang pagkamatay.
Ang “Women of the Weeping River” ay tungkol sa isang biyudang naninirahan sa Katimugang
Mindanao at ang kanyang kaugnayan sa isang matandang babae sa isang tribu na naging tulay
niya sa pagtataguyod niya ng usapang kapayapaan sa mga hindi kapanalig.
Ang QCinema ay isang proyekto ng Quezon City Film Development Commission (QCFDC),
na itinatag ni Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte na may layuning
ipalaganap ang sining at kultura sa lungsod ng Quezon.
Ang 2016 QCinema international filmfest ay gaganapin sa Oktubre ngayong taon.