May 24, 2025
Marian Rivera and Dingdong Dantes celebrates baby Zia’s christening
Home Page Slider Latest Articles

Marian Rivera and Dingdong Dantes celebrates baby Zia’s christening

Feb 16, 2016

by PSR News Bureau

zia
Photo grabbed from: IG @thedongyanatics

Masayang ipinagdiwang nina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera ang binyag ng kanilang panganay na anak na si Maria Letizia o baby Zia noong Linggo, mismong Valentine’s Day, February 14. Naganap ang binayagan sa St. Alphonsus Mary de Liguori Parish sa Magallanes Village, Makati City.

Ilan sa mga naging ninong at ninang na bahagi ng showbiz ay sina Bettina Carlos, Ai Ai delas Alas, Sen. Grace Poe at aktor na si Gabby Eigenmann. Makikitang sobrang proud ang mga magulang ni baby Zia dahil sa napaka-cute at sadyang napakagandang baby nito na hindi naman dapat pang pagtakahan dahil parehas naman good looking ang kanyang mga magulang. Kung medyo inilihim nina Marian at Dingdong ang binyag ni Zia sa kaalaman ng publiko, ito ay dahil gusto naman daw nilang magkaroon ng privacy ang bata. Tutal naman daw ay binuksan nila ang kanilang kasal noong December 30, 2014 sa publiko. Kaya’t mas pinili nila naman ngayon na ilang malalapit na kamaganak at kaibigan na lang ang inimbita nila.

Hindi rin nakapagpigil na magsipag-share sa kanilang respective social media accounts ang mga naging bisita nina Marian at Dingdong ng larawan ni baby Zia. Gaya ni Ai Ai delas Alas na nag-post ng picture niya kasama ang kanyang ‘kakambal’ na si Marian at si baby Zia. Sabi nito: “Welcome to the Christian World Letizia, my magandang inaanak na manang mana sa ninang niya.”

Photo grabbed from: IG @thedongyanatics
Photo grabbed from: IG @thedongyanatics

Hindi naman nagpahuli ang aktor na si Gabby Eigenmann na nag-share din ng larawan kasama ang Dantes family at sinabing: “Ninong will always be here for you Baby Z. Love you.”

Maging si Bettina ay nag-post din ng kanyang sariling mensahe sa bagong inaanak: “Welcome to the Christian world my Inaanak! Love Ninang Madel and Ate Gummy.”

Leave a comment

Leave a Reply