May 24, 2025
Louie Ignacio defends his new film “Laut”
Home Page Slider Latest Articles

Louie Ignacio defends his new film “Laut”

Feb 22, 2016

Archie liao

by Archie Liao

louie-ignacio

Napapanahon ang tema ng “Laut”, ang pinakabagong pelikula ng award-winning director na si Louie Ignacio na nagdirehe ng “Asintado” at “Child Haus”.

Ibang-iba ang timpla ng “Laut” sa mga pelikula at MTVs na nagawa mo na. Ito ba ay kusang sinadya mo?

“Ako nga, hindi ko nakilala na gawa ko pala ang pelikula. Actually, gusto kong iba-iba ang ginagawa ko. Iyong lumayo ako sa style na ginagawa ko para may bago akong ipakikita sa mga obra ko”, aniya.

Ano ang naging inspirasyon mo sa paggawa ng “Laut?”

“Sila mismo ang naging inspirasyon ko. Gusto kong gumawa ng pelikula na tumatalakay sa buhay at problema nila. Gusto kong mapansin ng mga kinauukulan at ng gobyerno ang kanilang kalagayan. Gusto ko silang tulungan sa pamamagitan ng pagpapaabot ng kanilang kalagayan sa buong mundo”.

Tinatalakay sa pelikula na ang pamamalimos ay isang hanapbuhay para sa mga Samal Dilaut. Sa palagay mo, ano kaya ang magiging pagtanggap nito sa mga international film festivals lalo na sa pagdating sa magiging imahe ng Pinoy?

laut poster 2“Hindi lang siya imahe ng Pinoy. Hindi lang siya nangyayari sa ating bansa. Ito’y pagpapakita ng realidad sa ating lipunan. Ginawa ko iyong pelikula para ipakita na sa kanilang lahi ay posible at mayroon ding ganitong problema. Sa bawat bansa, may ganoon ding problema. Iyong kakulangan ng pagtugon ng gobyerno sa pangangailangan ng kanilang mga mamamayan. Sa kultura ng mga Badjao na na-displaced ng digmaan at walang tulong na natatanggap, wala silang pera kaya ganoon sila na napipilitang mamalimos para mabuhay”, paliwanag ni Direk Louie.

Hindi ka ba nangangamba sa anumang negatibong impresyon ng mga dayuhan sa tema mo para sa Pilipinas?

“Hindi ako natatakot. That’s the reality of life. Ang bawat isa, kapag walang pera, gumagawa ng paraan para mabuhay. Dala ng pangangailangan, namamalimos sila para mabuhay”.

Ano ang personal na pananaw mo bilang director sa pamamalimos?

“Mas malinis siya kesa magnakaw. Namamalimos sila dahil gusto nilang magsipag para mabuhay ang kanilang pamilya dahil wala namang tulong na nagagawa ang gobyerno sa kanila. Kelangan nila ng tulong dahil ang hirap ng buhay nila. Nabubuhay sila sa sariling bayan pero dahil sa kamangmangan, ultimong apelyido nila at edad ay hindi nila alam. Kapit sa patalim sila dahil hindi sila natutulungan ng gobyerno dahil hindi naman sila napapakinabangan dahil hindi sila mga botante”, depensa niya.

louie ignacio and castPersonal choice ni Direk Louie sina Barbie Forteza at Jak Roberto na gumanap na mag-asawang Badjao sa “Laut”.

“First choice ko si Barbie dahil bumilib na ako sa kanya noong mapanood ko siya sa “Mariquina”. Si Jak naman, gusto kong mapansin ang kanyang acting. Ayoko ng sobrang sikat dahil baka hindi mapansin ang kanyang galing,” pagtatapos niya.

Ang “Laut’ ay opening film ng ongoing 3rd Singkuwento International Film Festival sa NCCA sa Intramuros, Manila at sa UP Cine Adarna sa Diliman, Quezon City.
Nakatakda rin itong ipalabas at mag-compete sa 36th Oporto International Film Festival sa Portugal. Nominado rin ito sa apat na kategorya sa International Filmmaker Festival of World Cinema sa London: Best Foreign Language Film, Best Director of a Foreign Language Film para kay Louie Ignacio, Best Screenplay of a Foreign Language Film para kay Carlo Encisu Catu at Best Editing of a Foreign Language Film para kay Vanessa de Leon.
Ang “Laut” ay iprinudyus ng BG Films with Ms. Baby Go, Dennis C. Evangelista, Romeo Lindain and Ferdinand Dizon Lapuz as producers.

Nasa cast sina Barbie Forteza, Jak Roberto, Anna Capri, Gabbi Garcia, Ronwaldo Martin, Felixia Dizon , Perla Bautista, Erika Yu,Carl Acosta, Rico Barrera, Norman “Boobay” Balbuena, Ezekiel Jash at marami pang iba.

The interviews were done last Friday, February 19 during the opening of 3rd Singkuwento International Filmfest and world premier of Laut.

For your comments/reactions write to artzy02@yahoo.com.

Leave a comment

Leave a Reply