
Michael Pangilinan believes his sex video hasn’t affected his popularity
Naging usap-usapan ang pag-amin ng crooner turned actor na si Michael Pangilinan na siya ang nasa sex video na kumalat online.
Katunayan, maraming natuwa sa kanyang pagpapakatotoo at hinangaan ang kanyang tapang sa ginawa niyang pag-amin.
Meron din namang ilan na nagpalagay na gimmick lang ito para pag-usapan at iyong iba ay nagsabing tapos na ang career ng tinaguriang kilabot ng mga kolehiyala.
Sa nangyaring pagkalat ng sex video mo, sa palagay mo ba nakaapekto ito sa iyong kasikatan?
“Wala namang nabago. Pagkatapos nang nangyari, wala namang bumabastos sa akin. Iyong mga kaibigan ko at mga supporters, nandiyan pa rin sila. Dumami pa nga sila at hindi nila ako hinuhusgahan. Buo pa rin ang pagtanggap nila sa akin”, ayon kay Michael.
Sa pananaw mo ba, naging mas desirable ko sa mga beki at mga kababaihan at maging sa mga tagahanga mo pagkatapos ng nasabing pangyayari?
“Solid ang suporta nila sa akin, tulad na lang nitong pelikula naming “Pare, Mahal Mo Raw Ako”. Doon sa kanta ko pa lang, halos 90% ng fans ko sa LGBT community, sumusuporta na pati sa pelikula”, aniya.
May pagsisisi ka ba sa ginawa mo sa nabanggit na sex video na na-upload at nag-viral sa social media?
“Bata pa ako nang mangyari iyon. Kumbaga, mapusok, kasagsagan ng kabataan at nagrerebelde sa mundo. So far, hindi ko naman pinagsisisihan ang ginawa ko. Ang importante, may mga lessons akong natutunan sa nangyari”, paliwanag niya.
Ano ang mga aral na natutunan mo dala ng nasabing pangyayari?
“Siguro, iyong maging maingat na lang at kilalanin ang mga taong puwede mong pagkatiwalaan”.
Sa palagay mo ba, wholesome pa rin ba ang image mo at pang general patronage pa rin ba ang audience mo pagkatapos ng mga nangyari?
“Iba na kasi ang audience natin ngayon. Mas mature at open na rin sila ngayon. Naniniwala ako na importante pa rin sa kanila at mas pinahahalagahan nila ang talento ng tao”, pagwawakas ni Michael.
Tungkol sa isang closet gay na mahal ang kanyang best friend ang “Pare, Mahal Mo Raw Ako”. Paano nabago ng pelikula ang pananaw mo sa mga miyembro ng third sex o ng LGBT community?
“Mahal ko ang LGBT community. Marami akong kaibigan sa showbiz na kabilang doon. Mas lumawak iyong pang-unawa ko sa kanila. Hindi rin ako against sa same-sex marriages. Iginagalang ko sila. As long naman na wala silang tinatapakang tao, may karapatan din silang lumigaya”, ani Michael.
First movie appearance ni Michael ang “Pare, Mahal Mo Raw Ako” na inspired sa sikat na LGBT-friendly hit song niya with the same title.
Kabituin niya rito si Edgar Allan Guzman na gumaganap na best friend niya na may lihim na pag-ibig sa kanya.
May mga tender moments sila ni Edgar Allan sa pelikula pero walang kissing scene.
Okey lang ba sa iyo ang makipag-kissing scene sa kapuwa mo lalake sa pelikula?
“Walang problema sa akin kung si EA (Edgar Allan) dahil kaibigan ko siya”, sey niya.
Kabituin rin nila sina Anna Capri, Katrina “Hopia” Legaspi, Joross Gamboa, Matt Evans, Nikko Natividad at Miggy Campbell with the special participation of Ms. Nora Aunor.
Ito ay sa direksyon ng award-winning composer at film director na si Joven Tan.
For your comments/reactions write to artzy02@yahoo.com.