May 24, 2025
Presscon on The Story of Us
This is it!

Presscon on The Story of Us

Mar 10, 2016

Rommel_Placente
by  Rommel Placente

kim and xian
Photo grabbed from: IG @chinitaprincess

Nagkaroon ng thanksgiving presscon ang seryeng “Ths Story of Us” ng ABS-CBN 2 na bida ang loveteam nina Kim Chiu at Xian Lim dahil sa mataas na rating na nakuha nito sa pilot week nito. Ayon kay Kim, maipagmamalaki niya ang bagong serye nila ni Xian dahil maganda raw ang kwento nito, bukod pa sa fast-paced daw ito. At relateable raw ito sa totoong buhay.
At kung paano naman naka-relate si Kim sa kanyang character sa serye, ang sabi niya ay “Alam naman po natin na ako ‘yung breadwinner sa pamilya namin sa totong buhay. Sa kwento po ng serye ganoon din po, ako yung nagpo-provide kay nanay saka sa kapatid ko na may sakit. Kaya ako nagpunta sa Amarica para sa kaptid ko. Parang gusto ko una lagi yung pamilya ko bago ‘yung love-love. So yun ganun po, family first bago po ang lahat,”
Ang “The Story of Us” ay napapanood sa Primetime Bida ng Kapamilya network pagkatapos ng “Dolce Amore”

Sa isang panayam kay Francis Magudayao ay dininay niya na siya yung diumano’y may nude photo na kumalat sa internet kamakailan, hindi raw siya ‘yun. Hindi niya raw kayang gawin ‘yun, na kunan ang kanyang sarili na hubo’t-hubad. May mga taong sinisira lang daw siya. Pero hindi naman daw siya apektado. At natutuwa raw siya na sa kabila ng isyung ito sa kanya ay marami pa ring nagpapakita ng suporta sa kanya.
“I’m not shaken, not at all, because I’m sure maraming tao ang nagsu-support sa akin, kahit non-showbiz.”sabi pa ni Francis


martin venegas
Photo sent by Rommel Placente

Nung una naming makita ang youg actor na si Martin Venegas nung bata pa siya ay mataba siya. Pero nung nag-teen ager na siya, pumayat siya at ang gwapo niya, huh! Sa totoo, pang-matinee idol ang dating niya ngayon. Sana nga lang ay tuoy-tuloy ang gawing pag-build up sa kanya ng Viva, ang humahawak sa kanyang career para mas mapansin siya ng publiko. Kung maaalagaan lang nang husto ang career ng bagets, naniniwala kami na malayo ang mararating niya sa shoiwbiz. Bukod kasi sa gwapo ay talented si Martin. He can sing, act and dance. Complete package siya na hindi mo makikita sa ibang artista. Kasama si Martin sa advocay film na Palo na gumaganap siya rito bilang batang Renz Michael, ang kanyang kuya sa totoong buhay na siyang bida sa pelikula. Happy si Martin dahil nung ipalabas ito kamakailan sa UP Los Banos ay pinilahan ito at pinalakpakan ito dahil sa ganda ng pagkakagawa at istorya nito

Leave a comment

Leave a Reply