May 24, 2025
Sandino Martin tries horror via “Ang Tulay ng Sebastian”
Latest Articles Movies

Sandino Martin tries horror via “Ang Tulay ng Sebastian”

Mar 11, 2016

Archie liao

by Archie Liao

sandino martin
Photo sent by archie liao

First time na lumabas ng award-winning actor na si Sandino Martin sa isang horror film na idinirehe ng magaling at premyadong director na si Alvin Yapan.

Ito ay sa pelikulang “Ang Tulay ng San Sebastian” na kalahok sa ikalawang edisyon ng Cine Filipino Film Festival.

Ano ang nabago sa buhay mo mula nang manalo ka ng best actor award sa Cinemaone Originals para sa pelikulang “Esprit de Corps” ni Kanakan Balintagos?

“Mas nakilala ako kung ano ang puwede kong gawin. Mas nakita nila kung ano iyong puwede kong i-offer, iyong capability ko as an actor. Dumami ang nagtiwala sa aking kakayahan”, aniya.

Naging usap-usapan noon ang pagpapa-sexy mo sa “Esprit de Corps” kung saan nag-frontal nudity ka. Kaya mo pa bang higitan ang ginawa mong paghuhubad sa nasabing pelikula?

“Actually, kahit naman naghubad ako sa “Esprit de Corps”, hindi nila tinitingnan na bastos iyong pelikula. Maayos ang pagkakalahad ng konsepto at pagkagawa ng pelikula, Wala akong regrets sa ginawa ko kasi bahagi naman iyon ng sining. Ayaw ko namang ipagdamot kung ano ang puwede kong ibigay pagdating sa pag-arte”, paliwanag niya.

Naging mapili ka na ba sa pagtanggap ng projects pagkatapos mong manalo ng best actor award?

“Hindi naman sa mapili. Naging konsiderasyon lang sa akin na kailangang maganda rin iyong mga susunod kong proyekto. Maayos iyong iskrip, mapagkakatiwalaan iyong director mo at maayos iyong mga makakatrabaho mo”.

tulay ng san sebastian1
Photo sent by archie liao

Nalilinya ka sa mga pelikulang may gender-bending themes tulad ng “Unfriend”, “Dagitab” at “Esprit de Corps”, hindi ka ba natatakot na ma-typecast sa ganitong klaseng pelikula?

“Kaya nga nag-try ako ng horror like itong “Ang Tulay ng San Sebastian” under Direk Alvin Yapan”, paliwanag niya. “Actually, hindi naman ako natatakot kasi, in the first place, iba na ang audience natin ngayon, nag-e-evolve na sila. Iyong mga versatile actors natin ngayon can choose whatever they want in terms of content. At the end of the day, naiintindihan na ng audience natin na it’s only a job for us, actors and we are not judged by the choices (of roles) that we make kundi sa performance pa rin ,”pahabol niya.

Ano’ng bago ang mapapanood ng audience kay Sandino Martin sa pelikulang “Ang Tulay sa San Sebastian? 2nd Cine Filipino Film Festival showcases stories worth telling

“First time kong gumawa ng horror. Kakaiba siya sa mga nagawa ko. Meron akong eksena na may isang mahabang takbuhan na parang gumagawa ka ng action film.”

Ano ang temang tinatalakay sa pelikula?

“It’s a question of faith, a question of camaraderie, a question of spiritual beings around us. Kasi marami ritong elements sa pop culture, tulad ng white lady, zombies, multo at iba pa.”

May mga karanasan ka na ba sa naging engkuwentro mo sa mga multo?

“Meron, noong nasa UP pa ako. That was the time na nagre-rehearse kami noon sa College of Music para sa ginagawa kong play. Alas 3 ng umaga, nakarinig kami ng tumutugtog na grand piano na ginagamit ng mga artists na nagpe-perform doon. Wala namang ibang tao roon dahil kami mismo ang nagsara ng pinto. It was actually a scary experience”, pagbabalik-tanaw niya.

Paano nakatulong ang experience mong ito sa pelikulang horror tulad ng “Ang Tulay ng San Sebastian”?

“Iyong emosyon ng takot na naranasan ko, nagamit ko iyon para maipakita ang kinakailangang pag-arte sa pelikula”, bulalas niya.

Photo sent by archie liao
Photo sent by archie liao

Papel ng isang nars ang role ni Sandino sa “Ang Tulay ng San Sebastian”. Kasama si Joem Bascon na gumaganap bilang driver ng ambulansya, maghahatid sila ng pasyente mula probinsya papuntang Maynila. Sa pagbalik nila mula Maynila patungong hospital, doon magsisimula ang iba’t-ibang klase ng kababalaghan na mangyayari sa tulay ng San Sebastian.

“Dito, ite-test kung gaano kalawak ang faith mo. Kung ano ang gagawin mo sa panahon na halos wala ka nang magawa”, pagtatapos niya.

“Ang Tulay ng San Sebastian” ay isang pagsusuri rin ng Pinoy male psyche sa ating lipunan, kung bakit nagiging alipin sila ng takot sa mga bagay-bagay.

Bukod kay Joem, kabituin din dito sina Alex Castro, Angela Cortez, Sue Prado, Lance Raymundo, Iby Sumilangas at Arrian Labiosas.

Ito ay mapapanood sa mga piling sinehan mula Marso 16 hanggang 22.

For your comments/reactions write to artzy02@yahoo.com

Leave a comment

Leave a Reply