
“Buhay Habangbuhay” actor Jake Macapagal believes in after life
by Archie Liao
Pagkatapos mapansin sa kanyang makabuluhang pagganap sa BAFTA nominated film na “Metro Manila” ni Sean Ellis na umani ng papuri sa iba’t-ibang international film festivals, muling mapapanood si Jake Macapagal sa isa na namang pelikulang magpapamalas ng kanyang galing bilang de-kalibreng actor: ang “Buhay Habangbuhay” ni Paolo Herras.
Ano ang role mo sa “Buhay Habangbuhay”?
“Asawa ako ni Iza (Calzado). Kaya hindi siya maka-move on,dahil sa akin. Iyong marriage kasi namin is somewhat dry. When she dies due to accident, her spirit can not move on kasi there are things na hindi pa niya naaayos with me and with her life”, aniya.
Tungkol sa afterlife o life after death ang pelikula, naniniwala ka ba sa afterlife?
“I know I believe in spirits. They live among us but necessarily na kailangang katakutan because I believe that we have the power over them. Pag dark spirits, puwede naman nating labanan iyan with our faith in God.”
What’s your idea of afterlife?
“Bliss. Peace. Utopia”, bulalas niya.
Tungkol sa isang multo ng isang asawang hindi maka-move on ang pelikula, do you believe na may mga espiritung nagbabantay sa atin kahit sumakabilang-buhay na sila?
“Oo. That’s why we have our angels”.
May mga nababasa tayo at naririnig na mga kuwento tungkol sa mga taong namatay na pero nakabalik sila. May mga personal o similar experiences ka ba o ang mga kaibigan mo tungkol dito?
“May mga nabalitaan ako na nagkaroon ng experiences na ganyan. Those pronounced to be dead tapos biglang nawala na at nasa white light na then they came back in seconds na minsan, mahirap mo ring ma-explain. Maybe, dahil may unfinished business pa sila rito sa mundo ”.
If you were given a second life, what would you do?
“If I have a second life, I’ll do the same thing. I would still be an actor and would be committing the same mistakes.”
If you were given a chance to edit your life, what would you change?
“Wala akong ii-edit kasi hindi ako magiging iyon. May mga bagay na gusto kong i-avoid pero hindi iyon ang katauhan ko. I have no regrets naman sa mga decisions ko dahil marami naman akong lessons learned sa mga experiences ko”.
Ikalawang pagkakataon na ni Jake na makasama si Iza Calzado sa pelikula. Una silang nagtambal sa international movie na “Mona:Singapore Escort” noong 2007.
Ayon pa kay Jake, napansin niya ang malaking pagbabago ni Iza bilang actress sa kanilang muling pagsasama sa “Buhay Habangbuhay”.
“She definitely has matured as an actress at makikita mo sa kanya iyong eagerness niya to learn at iyong pagiging dedicated niya sa kanyang craft”, pahayag ni Jake.
Masayang ibinalita rin ni Jake na magtatayo na siya ng kanyang sariling production outfit.
“ I’m doing independent works for students in their projects para makatulong sa kanila. I did one for Mark Flores of Mapua and I think it will be shown sa Cinemalaya shorts this year. I have also one short in Singapore about OFWs. Aside from that, I’ll also be launching my own production outfit. My partners and I would like to create more films and time content. We’ll be launching our Brown Envelop Productions before October. Our maiden project will include international actors in it but will be set in the Philippines in the 1800s. I’ll be producing and acting in it”, pagtatapos niya.
Bukod kay Iza, kasama rin ni Jake sa “Buhay Habangbuhay” sina Meryll Soriano, Ricci Chan, Rocky Salumbides, Anna Marin at Nhikzy Calma.
Ang “Buhay Habangbuhay” ay living tribute ni Paolo Herras sa kanyang paboritong aktres ng “Moral” ni Marilou Diaz Abaya na si Sandy Andolong na may personal na pinagdadaanan din sa kanyang laban sa kanser.
Ito ay kasalukuyang kalahok sa 2nd Cine Filipino Film Festival na mapapanood sa mga piling sinehan sa Metro Manila.
For your comments/reactions write to artzy02@yahoo.com.