May 23, 2025
Ara Mina, gusto pa raw niyang magkaroon ulit ng baby
This is it!

Ara Mina, gusto pa raw niyang magkaroon ulit ng baby

Mar 29, 2016

Rommel_Placente

by Rommel Placente

Photo grabbed from: IG @realaramina
Photo grabbed from: IG @realaramina

Ayon kay Ara Mina, gusto pa raw niyang magkaroon ulit ng baby para may kalaro ang anak niya kay Mayor Patrick Meneses na si baby Amanda. Pero alam daw niyang malabong mangyari yun dahil wala siyang boyfriend o karelasyon ngayon. Nagbiro na lang si Ara na kay Patrick na lang daw sana siya ulit magka-anak, Maging donor na lang daw sana ito ng baby niya. Well, kung ganoon ang gustong mangyari ni Ara kahit pabiro niyang sinaabi ‘yun, ibig kayang sabihin nito na may pagtingin pa rin siya sa dating minamahal? O baka ang gusto lang niyang mangyari ay yung mga anak niya ay nanggaling lang sa iisang punla at hindi sa ibang lalaki. Pwede rin, di ba?


Photo grabbed from: IG @papel2012
Photo grabbed from: IG @papel2012

Marami palang manliligaw ngayon si Sheryl Cruz, may taga showbiz at non-showbiz, At ang isa sa manliligaw niya ay isang prinsipe mula sa Brunei. Nung nag-show siya sa nasabing bansa ay nabighani sa kanya ang nasabing prinsipe kaya naman pinabalik siya nito roon para muling mag-show. Pero ayaw muna ng aktres na isipin ang muling pumasok sa isang relasyon. Sa dami raw ng pinagdaanan niyang mga pagsubok sa buhay, this time ay uunahin daw muna niya ang kanyang sarili.


lukePangarap ni Luke Mathiev ang maging isang artista. Kaya bilang preparasyon sa pagpasok niya sa showbiz ay nag-workshop siya sa ABS-CBN
“Gusto ko pong mag-artista para ma-help ko ‘yung family ko,”sabi ni Luke
Sa comedy at drama gustong makilala ni Luke.

“Sa tingin ko naman kaya ko pong mag-drama at mag-comedy,”

Si John Lloyd ang hinahangaang dramatic actor ni Luke at sina Jose Manalo at Wally Bayola naman ang paborito niyang mga komedyante.
Ano ang mga payo na binigay sa kanya ng kanyang mga magulang ngayong papasukin niya na ang showbiz?

“Pagbutihan ko raw po at huwag lumaki yung ulo ko,”

Makakasama si Luke sa stage play na “Batang Pro” mula sa ‘D Big One Entertainment Production at mula sa direksyon ng tumatayo niyang manager na si Direk Francis Doble. At pagkatapos nito ay gagawin naman niya ang historical play na “Kamay ni Rizal” mula pa rin sa direksyon ni Direk Francis. kami na malayo ang mararating sa showbiz n Luke. Gwapo at at talented kasi ang baget plus factor pa na ang manager niya ay may malaking koneksyon sa showbiz. Hindi siya nagkamali na nagpa-manage siya kay Direk Francis

Leave a comment

Leave a Reply