May 24, 2025
Cherie Pie says Nora’s powerful acting  is contagious
Home Page Slider Latest Articles

Cherie Pie says Nora’s powerful acting is contagious

Apr 5, 2016

Archie liao

by Archie Liao

cherie pie
Photo sent by Archie Liao

Sa kabila ng mga nangyayaring krimen sa ating bansa kasama na ang korupsyon at PDAF scams, naniniwala pa rin si Cherie Pie Picache na may hustisya sa Pilipinas.

“Naniniwala ako sa divine justice. Kung hindi ka man, nahatulan ng korte. Ang Diyos anghahatol sa iyo. Kung anumang kasalanang ginawa mo, may karma iyon at minsan pamilya moang magdadala. You get what you give. You reap what you sow”, makahulugang pahayag ni Cherie Pie.

Matatandaang naging biktima rin si Cherie Pie nang kakulangan ng hustisya nang paslangin ang kanyang inang si Zenaida ng kanilang houseboy na ngayon ay nasentensiyahan nang mabilanggo ng habang buhay sa salang robbery with homicide. Proud si Cherie Pie na kasama siya sa “Whistleblower” kung saan ay ginagampanan niya ang papel ng isang high-profile businesswoman na sangkot sa PDAF scams at ala Janet Napoles ang peg.

Ang kanyang pakiramdam tuwing nakaka-eksena si Ate Guy?

“Siyempre, acting na acting rin. Nakakahawa ang galing ni Ate Guy. Mata pa lang umaakting na.At saka isang prestige na makasama ang isang Superstar na multi-awarded at soon ay magiging National Artist na”. Ayon pa kay Cherie Pie, ang papel niya sa “Whistleblower” ang isa sa mga pinakamarkadong papel na nagampanan niya sa kanyang entire acting career. “Lahat naman, makaka-identify sa role ko, kasi hanggang ngayon, wala pa ring malinaw na

whistleblower
Photo sent by Archie Liao

nangyayari sa PDAF scams kahit sabihin pang may mga nakasuhan na at nakulong”, aniya. Wish ni Cherie Pie na ang napapanahong obrang idinirehe ni Adolfo Alix, Jr. ay maging wakeup call sa mga politicians.

“Hindi lang naman tayo ang bansang may problema sa korupsyon. Siguro, dapat lang na maging mapagmatyag tayo at hindi tayo tumatahimik lalo na’t may nalalaman tayong katiwalian sa pamahalaan dahil pera naman natin iyong nalulustay”, aniya. All-star cast ang “Whistleblower” at hindi lang si La Aunor ang kasama rito ni Cherie Pie. Nasa cast din sina Angelica Panganiban, Laurice Guillen, Ina Feleo, Glenda Kennedy, Yul Servo, Ricky Davao, Lloyd Samartino, John Rendez, Pancho Magno, Rosanna Roces, Dennis Marasigan, Anita Linda, Vangie Labalan at marami pang iba.

For your comments/reactions write to artzy02@yahoo.com.

Leave a comment

Leave a Reply