May 24, 2025
John Lloyd Cruz and Jennylyn Mercado Movie
This is it!

John Lloyd Cruz and Jennylyn Mercado Movie

Apr 13, 2016

Rommel_Placente

by Rommel Placente

Photo grabbed from: IG @mercadojenny
Photo grabbed from: IG @mercadojenny

May ginagawang pelikula si John Lloyd Cruz mula sa Star Cinema titled “Just The 3 Of Us” mula sa direkyon ni Cathy-Reyes Molina. Katambal niya rito si Jennylyn Mercado. Nung dumalaw kami sa set ng nasabing pelikula, tinanong namin ang aktor kung kamusta ang pakikipagtrabaho niya kay Jennlyn na first time niyang nakatambal at nakasama sa isang pelikula.

“So far so good. I’m not gonna pretend na magkaibigan na kaming matalik, pero wala akong nakikitang dahilan para hindi kami maging magkaibigan cause she’s a fantastic co-worker, professional, dedicated. and very much willing (to learn). ‘Yung mga ugaling yun, napakaimportante when you’re doing a movie”sabi ni Lloydie tungkol kay Jennylyn
Sa pelikula ay may lovescene sina Jennylyn at Lloydie. Tinanong naman namin si Jen kung kamusta ang lovecene nila ni Lloydie.

“Maganda ‘yung pagkakagawa ni direk. Medyo ano siya intense, pero maganda,”sagot ni Jennylyn.
Tungkol pa rin kay Lloydie, nilinaw niya na hindi totoo ‘yung mga naglabasang balita na magkasama silan?g nagpunta ng ex niyang si Angelica Panganiban sa Hongkong. Nagkita lang daw sila roon.

“If you are asking kung nagkita kami ni Angelica sa Hong Kong, nagkita kami, yeah. Napakaliit ng Hong Kong at hindi ko naman siya iniiwasan, di niya naman ako iniiwasan so I don’t think siguro nabibigyan lang ng parang kahulugan o malisya kasi nga given the history pero nagkita lang kami don kung paano ko rin nakita si kuya Aga si ate Charlene (Muhlach), si Ruffa (Gutierrez) din may picture pa nga kami eh. Nagkita-kita kami ni kuya Aga, ate Charlene at Ruffa sa isang gallery,


Photo sent by  Rommel Placente
Photo sent by Rommel Placente

Isang malaking tagumpay ang nagdaang concert nina LA Santos, Joboy Cantos, Joshua Nubla at Janna Enriquez billed as “L.A. & ‘D 3 J’s” na ginanap sa LPU Batangas City. Halos napuno kasi ang venue ng mga tagahanga ng apat na bagets.
Nag-enjoy ang lahat ng nanood ng concert, isa na kami run, dahil sa ganda nito at sa husay na performance na ipinakita nina LA, Joboy, Joshua at Janna. Hindi mo iisipin na mga baguhan pa lang sila sa concert scene dahil sanay-na sanay na sila sa pagpi-perform sa stage, Performance level ang ipinakita nila ng gabing ‘yun.
As expected, marami na namang kababaihan ang pinakilig si LA dahil sa angkin niyang kagwapuhan. Walang tigil ang hiyawan sa kanya ng mga ito habang nagpi-perform siya na nagng dahilan para mas lalo siyang ganahan sa kanyang performance.

Samantala, natupad na rin ang pangarap ni LA na maging isang recording artist dahil may ginagawa siyang album ngayon.

Leave a comment

Leave a Reply