May 23, 2025
Martin Escudero believes in luck in love
Home Page Slider Latest Articles

Martin Escudero believes in luck in love

Apr 14, 2016

Archie liao

by Archie Liao

Photo sent by Archie Liao
Photo sent by Archie Liao

Pagkatapos umani ng papuri sa kanyang pagganap na bading sa “Zombadings 1”, balik indie si Martin Escudero sa pelikulang “A Lotto Like Love” ni Carla Baful. Bakit natagalan ang pagbabalik mo sa indie pagkatapos ng matagumpay mong “Zombadings 1:

Patayin sa Shokot si Remington”?

“ Sumabay po kasi ang mga projects ko sa TV5, kaya po pag may inquiry for indie film hindi ko po matanggap. Lagi pong conflict sa schedule pati na rin po pag may inquiries for mainstream movies nagkakataon na may ginagawa po akong project for TV5,” aniya.

Naniniwala ka ba sa swerte?

“ Oo naman po, pero syempre po ang swerte ay may kaakibat din pong pagsisikap, bigay po ng Diyos ang swerte at kailangan gamitin sa magandang bagay o paraan,”

magiliw niyang tugon. Naniniwala ka rin ba may mga taong suwerte o malas sa pag-ibig?

“Opo, madami naman po akong mga kakilala na swerte po sa pag-ibig… Pag ito po ay ibinigay sa atin ng panginoon sa tamang panahon”, sey niya.

Tumataya ka ba sa lotto?

“Ako po personally ay hindi nakakataya ng lotto, pero ang ate ko po, ang aking kapatid ay tumataya. Minsan ako po ang nagbibigay ng numero at pang taya. Hehe,” masaya niyang balita.

Photo sent by Archie Liao
Photo sent by Archie Liao

First time mo bang makatrabaho si Isabelle de Leon?

“Opo. Bale first time ko lang pong makatrabaho si Isabel, at masasabi ko pong magaan siyang katrabaho. Palagi po kaming masaya sa set,” pagbubunyag niya.

Kung papipiliin ka, ano ang pipiliin mo, maging swerte sa pera o sa pag-ibig?

“Siguro po, pareho kong pipiliin, o kung swertehin ka naman po sa pera, pwede pa rin pong swertehin sa pag ibig..na malaki pong posibilidad”.

Ano ang mensahe ng pelikulang “A Lotto Like Love”?

“Na walang masama na magbaka-sakali na , na ang pag taya sa lotto ay may swerte rin na ikaw ang manalo, pero sa palikula hindi lamang sa Lotto nanalo iyong karakter ko kundi sinuwerte rin siya taong kanyang mamahalin. Papel ni Itot ang role ni Martin Escudero sa “A Lotto Like Love” na naging kumplikado ang buhay nang makikilala niya si Kayela, isang direct selling agent, na naging kabakas niya sa winning lotto ticket na tinayaan nila pareho sa isang outlet.

Ang “A Lotto Like Love” ay isa sa mga pelikulang tampok sa “Cineastes Presents: CineFilipino

Photo sent by Archie Liao
Photo sent by Archie Liao

2016 Film Festival” sa UP Film Center, Diliman, Quezon City na mapapanood mula Abril 18 hanggang 23. Kabituin din sa pelikula sina Dennis Padilla, Ruby Ruiz, Emmanuelle Vera, Mauro Lumba at Jacob Clayton.

Leave a comment

Leave a Reply