May 23, 2025
Dominic Ochoa Upcoming Teleserye
This is it!

Dominic Ochoa Upcoming Teleserye

Apr 15, 2016

Rommel_Placente
by Rommel Placente

dominic
Photo grabbed from: starmagic.abs-cbn.com

Marami nang nagawang serye si Dominic Ochoa pero sa lahat nang yun ay suporta lang siya. dito sa bago niyang serye sa ABS-CBN 2 na “Super D” ay hindi na siya basta suporta lang kundi siya ang bida, siya ang nasa title role. Siyempre pa, happy at thankful ang aktor sa Kapamilya network sa magandang oportunidad na ibinigay nito sa kanya na magbida sa isang serye.

“I’m very thankful and blessed when they offered me this role. Masayang Pasko sa akin last year nung ibalita ito. Siyempre ikinagagalak ko ma gampanan yung role[r1] . It didn’t matter to me whether it’s small or big or whatever. Kahit anong role naman po ang binibigay sa atin, ang akin lang ay I’ll make sure you give 200% ng kakayanan mo. Kung sa tingin ng iba, hindi sapat, sa akin basta I’ll make sure na gagalingan at gagalingan ko,”sabi ni Dominic nung nakausap namin sa presscon
Ng “Super D”

Patuloy niya,” Nataon lang at natutuwa ako dahil nataon itong role na ‘ito dahil isa po akong ama sa isang kuwatro anyos na bata, and ito pong tinatalakay natin sa istorya natin ay tungkol sa relasyon ng isang ama at anak at ‘yung nakahiwalay na asawa, broken family, na ipinaglalaban
‘yung pagmamahal sa kanila.

Kasama rin sa cast ng “Super D” sina Marco Masa, Sylvia Sanchez, Ronaldo Valdez, Jason Francisco, Jayson Gainza, Marina Benipayo, Atoy Co, Myrtle Sarrosa, Jef Gaitan, Louie Domingo, at Bong Regala. May espesyal na partisipasyon din sina Richard Yap, Lara Quigaman, at Ronnie Lazaro. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Frasco Mortiz at Lino Cayetano at panulaKt ni Shugo Praico.


 

ajocampo
Photo sent by Rommel Placente

Masayang-masaya ang baguhang child actress na si AJ Ocampo dahil natupad na rin ang pangarap niyang maging isang artista. May natapos kasi siyang gawing pelikula na “Sa Isang Sulod ng Mundo” na isa siya sa mga bida rito. Mula ito sa direksyon ni GM Aposaga Ang role ni AJ sa pelikula ay isang anak-mayaman, Nanay niya rito si Lara Quigaman. Lumayas siya sa kanila, naging isang pulubi at mandurukot.
Suportado si AJ ng kanyang mga magulang sa pagpasok niya sa showbiz. Gusto rin kasi ng mga ito na mag-artista siya.
Paboritong arkres ni AJ si Marian Rivera dahil bukod daw aa maganda ay magaling itong umarte. Si Daniel Padilla naman ang paborito niyang akctor. Gwapo raw kasi ang Teen King at magaling ding umarte. Pangarap ni AJ na makatrabaho mga ito.

Leave a comment

Leave a Reply