May 22, 2025
John Prats talks about the joys of fatherhood
Home Page Slider Latest Articles

John Prats talks about the joys of fatherhood

Apr 29, 2016

Archie liao

by Archie Liao

john prats
Photo sent by Archie Liao

Turning point sa career ng magaling na aktor na si John Prats ang pag-aasawa at pagkakaroon nganak. Katunayan, isang proud father siya kay Lily Feather, ang kanyang anak sa TV at movie actress na si Isabel Oli.

“Ibang klase ang fulfillment at excitement. Kung dati ang priority mo lang ang sarili mo, ngayon, mas lumawak ang mundo mo”, aniya. “Mas masaya rin siya. Ibang-iba rin ang responsibility. Kung dati ang hirap kong gisingin pero pag umiyak na siya, gising na ako agad. May rason na akong gumising nang maaga. When I work, I don’t mind kahit walang kasing cut-off dahil you have to provide for your family”, pahabol niya. Rite of passage rin sa kanya ang pagiging ama.“

Di ba,pag teenager ka kasi, pag na-circumcise ka na, feeling mo binata ka na. Kapag naman may asawa at anak ka na, feeling mo ganap na lalake ka na”, paliwanag niya. Hands-on father ka ba kay Lily Feather?

“Oo naman. I tape everyday for Ang Probinsiyano. Umuuwi ako ng 2 am. Night shift ako. Ako ang nagkakarga sa kanya kasi pagod na si Liv (Isabel). Noong una ang hirap, kasi hindi ko alam kung bakit siya umiiyak, kung kailangan ba niyang mag-change ng diaper o gutom lang siya. Pero, as I get along, na-relax na ako sa kanya,”

pahayag niya. Ayon pa kay John, sa kanyang estado ngayon, marami siyang mga bagay na natutunan sa pagdating ng kanyang two-weeks old daughter sa kanilang mag-asawa.

“Natuto akong mag-swaddle ng baby. Hindi ako nagtitimpla ng gatas kasi breastfed siya ni Liv pero marunong akong mag-change ng diapers. Pati iyong pag-burp niya. Every morning, pinaaarawan ko rin siya for about 15 minutes. Iyon ang nagiging bonding naming mag- ama,”kuwento niya.

Aminado rin si John na naging magaan ang pagdating ni Lily Feather sa kanilang pamilya tulad ng pangalan nitong light at very unique. May balak ka bang i-share sa publiko si Lily Feather tulad ng ibang celebrity couples?

“Actually, meron na siyang IG account, but lately dahil busy kami hindi namin magawa. Iyong joy at excitement naroroon pero as of now, we want to keep her muna sa amin,”sey niya.

Photo sent by Archie Liao
Photo sent by Archie Liao

Bida si John sa “Diyos-Diyosan” kung saan ginagampanan niya ang papel ni Bernard Mojica, isang dating estudyante na naging corrupt na pulitiko dahil hinubog sa maling ideolohiya ng kanyang gurong hindi naniniwala sa Diyos.

“Kakaibang challenge siya dahil bihira akong mag-drama dahil minsan mo lang mapapanood kung may MMK ako dahil sa Banana Sundae ko,”bulalas niya.

Aniya, may advocacy daw ang kanilang pelikulang “Diyos-Diyosan”.

“Ginawa namin itong movie para magkaroon ng awareness, para matulungang magdesisyon ang mga tao kung sino ang karapat-dapat na kandidato na iboto sa halalan. Wala kaming iniendorsong kandidato. Iyong change naman should not come from the president, iyon change ay dapat na manggaling sa atin dahil may kalayaan tayong mamili ng iluluklok natin sa puwesto,”deklara niya.

“Botante rin ako at iboboto ko kung ano at sino iyong naaayon sa aking konsensiya dahil bilang ama, concerned rin ako sa kinabukasan at kapalaran ng anak ko sa ihahalal nating lider,”pagwawakas niya.

diyos-diyosan poster
Photo sent by Archie Liao

Ang “Diyos-Diyosan” ay isang napapanahong pelikula na magmumulat sa ating mga kabataankung ano ang mga katangiang dapat na taglay ng isang lider.

Layunin nitong magbigay ng inspirasyon at gabay sa mga taong naghahanap ng tunay napagbabago sa ating bansa.

Mula sa direksyon ni Cesar Buendia (Idol: Pag-asa ng Bayan, Padre de Pamilya, Agawan Base),tampok din sa pelikula sina Princess Punzalan, Kiko Estrada, Cheska Diaz, Lorenzo Mara,Vaness del Moral, Glaiza de Castro, Tirso Cruz III at marami pang iba.Ang “Diyos-Diyosan” ay mapapanood sa lahat ng sinehan sa buong bansa simula sa Mayo 4.

Leave a comment

Leave a Reply