May 22, 2025
Claudine Barretto, napapanood daw miya si Julia Montes at nagagalingan siya ritong umarte
This is it!

Claudine Barretto, napapanood daw miya si Julia Montes at nagagalingan siya ritong umarte

Apr 29, 2016

Rommel_Placente
by Rommel Placente

claudineSabi ni Claudine Barretto, napapanood daw miya si Julia Montes at nagagalingan siya ritong umarte. Na nang makarating kay Julia ang naging pahayag na ito ni Claudine tungkol sa kanya, siyempre flattered siya.

“Nung nagsisimula pa lang po ako (sa showbiz), isa po talaga siya sa mga iniidolo ko. ‘Yun pa;lang pong nanonood siya, malaking bagay na po sa akin ‘yun. And napansin pa po niya yung gingawa ko, rewarding. Parang lahat ng pagod nawawala po talaga. Mas lalo po ako ngayong nai-inspire na magtrabaho at ibibigay ko po ‘yung best ko lalo na po sa mga mangyayar pang paigting na paigting sa Doble Kara,”sabi ni Julia.


 Photo grabbed from: IG @mainedcm
Photo grabbed from: IG @mainedcm

Umiyak si Maine Mendoza pagkatapos ng “Sugod Bahay” segment ng Eat Bulaga nung Miyerkules. Paano kasi nung pagkaguluhan siya ng fans dun ay hinipuan at kinurot pa siya.May mga fans na nambastos sa kanya. Pero ngayon ay okey na is Maine. Naka-moved on na siya sa nangyari sa kanya.

Ang dapat talaga ay mas maraming alalay o escort sia Maine para hindi na maulit ang isidenteng ganun sa kanya, di ba? Ang mga fans naman kasi, hindi na lang makuntento sa paghawak kay Maine, nagawa pa nila itong kurutin sa panggigigil. At yiung iba naman ay talagang nambabastos.


Nag-acting workshop sa ABS-CBN 2 si Princess Lane Caturan in preperation para sa pagpasok niya sa showbiz. Ayon sa nakarating sa amin, pinuri si Princess sa kanilang acting workshop dahil sa husay na ipinamalas niya run. Nalaman namin na kaya pala mahusay umarte ang bagets dahil may pinaghuhugutan siya. Ang mga kamag-anak niya sa father side ay minamaliit at nilalait siya.

“Sinasabi po nila na wala akong mararating. ‘Yung mga panlalait po nila sa akin, nagsisilbi po siyang challenge para patunayan ko sa kanila na mali sila, na ipapakita ko po sa kanila na may mararating ako na hindi ako talunan,”sabi ni Princess nang makausap namin

princess lane
Photo sent by Rommel Placente

Sa kanyang pamilya at sa Diyos kumukuha ng lakas ng loob si Princess para maging matatag at harapin ang lahat ng challenges sa buhay.
Sa drama at comedy gustong makilala ni Princess. Si Ai Ai delas Alas ang paborito niyang komedyante at si Marian Rivera naman ang paborito niyang dramatic actress.
“Magaling po kasing magpatawa si Ai Ai. Si Marian naman po, nagagalingan po ako sa kanya nung napapanood ko siya sa “Temptation of Wife”. Makatotohanan po siyang umarte,”
Soon ay mapapanod si Princess sa stage play na “Batang Pro” na ang direktor nila ay ang tumatayong manager niya na si Direk Francis Doble.
Sa May 6 ay may shoot para sa isang commercial si Princess. Nag-vtr siya para run at sinuwerte na mapili siya.
Maganda at talented si Princess, hindi lang sa acting siya mahusay kundi pati na rin sa singing at dancing, kaya naniniwala kami na mabigyan lang siya ng tamang break ay may patutunguhan siya sa showbiz sa tulong na rin siyampre ng kanyang manager.

Leave a comment

Leave a Reply