May 22, 2025
Yam Concepcion has learned to move on after break up with Ejay Falcon
Latest Articles Movies

Yam Concepcion has learned to move on after break up with Ejay Falcon

May 11, 2016

Matagal nang nakapag-move on ang sexy actress na si Yam Concepcion pagkatapos ng kanyang short-lived affair sa Kapamilya hunk actor na si Ejay Falcon.

Naging mag-on kasi noon ang dalawa nang ginawa nila ang teleseryeng “Dugong Buhay” kung saan nabuo ang kanilang relasyon.

Pagkatapos ng kanilang teleserye, hindi na nagparamdam ni Ejay sa kanya at iniwan na siya sa ere.

Ngayon, muling nag-krus ang kanilang landas dahil magkasama sila sa pelikulang “Magtanggol” kung saan magka-eksena pa sila.

magtanggol

Kumusta na kayo ni Ejay?

“Wala namang nagbago kay Ejay. Even before, okey na naman kami ni Ejay”, bungad niya.

Noong i-offer ba sa iyo ang papel ni Nengneng sa “Magtanggol”, aware ka ba na si Ejay ang makakasama mo?

“Actually, wala akong ideya. Hindi ko nga alam na kasali pala siya sa cast. Nalaman ko na lang noong sinabi sa akin at nagkaroon na kami ng workshops”, aniya.

Hindi ba kayo nagkailangan noong magka-eksena kayo?

“Matagal na kaming okey ni Ejay. Nag-sorry na rin siya. Tama na iyon”, giit niya.

May love scene daw kayo sa pelikula. Paano ninyo kinunan ito?

“May bed scene sana kami ni Ejay, pero noong ginagawa na namin iyong pelikula, hindi na itinuloy dahil sabi ni Direk, hindi na naman siya kailangan sa pelikula”, paliwanag niya.

Hindi ba ikaw ang nag-request na hindi na ito gawin?

“Wala namang problema sa akin, dahil trabaho lang iyon”, sey niya. “Actually, nagkaroon na kami ng sensuality workshop kasi dapat magki-kiss kami. Naka-blind fold pa nga kami para maging kumportable kami sa isa’t-isa, kaso hindi na siya kinunan”, pahabol niya.

Papel ni Nengneng, isang battered OFW ang role ni Yam sa “Magtanggol”.

Aminado siyang nahirapan siya sa kanyang role dahil nagkaroon talaga siya ng mga ‘bruises’ dahil bilang OFW ay binugbog siya ng isang foreigner na sangkot sa mga sindikato sa pelikula.

Ayon pa kay Yam, gusto niyang mag-pokus sa kanyang career at isa sa mga minimithi niya ay magkaroon ng acting award.

Happy naman si Yam dahil maganda ang feedback ng mga televiewers sa kanyang pagha-handle ng showbiz news bilang guest correspondent ng “TV Patrol”.

“Marami pa akong bigas na kakainin. Minsan, nakaka-nerbiyos din kapag ‘live’ dahil hindi ka dapat magkamali o mag-buckle while reporting”, pagwawakas niya.

Malaki ang pasasalamat niya sa ABS-CBN sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataon para matupad ang pangarap niyang maging isang newscaster kahit reliever lang kina Gretchen Fulido at Mario Dumaual.

Pivotal ang role ni Yam sa “Magtanggol” dahil isa siya sa mga dahilan ng pakikibaka ng pamilya Magtanggol na tulungan ang mga kapuspalad na mga OFW sa ibang bansa.

Proud din si Yam dahil napasama siya sa pelikulang may “purpose” tulad ng Magtanggol na layuning tulungan ang ating mga kababayan sa ibang bansa.

Tampok din sa “Magtanggol” sina Tom Rodriguez, Ejay Falcon, Dina Bonnevie, Joonee Gamboa, Denise Laurel, Kim Domingo, Albie Casino at marami pang iba.

Leave a comment

Leave a Reply