May 22, 2025
Tom Rodriguez is proud of his advocacy movie “Magtanggol”
Latest Articles Movies

Tom Rodriguez is proud of his advocacy movie “Magtanggol”

May 13, 2016

tomNakagawa na ng mga indie films ang Kapuso hunk actor na si Tom Rodriguez pero ang “Magtanggol” ang maituturing niyang kakaiba dahil maindie (mainstream at indie) ang scope nito pagdating sa laki ng casting nito at bonggang production values.

Proud din si Tom na maging bahagi ng isang pelikulang may marangal na layunin para tulungan ang ating mga bagong bayani o mga OFW.

“Ibinalot ang pelikula sa isang masayang panoorin na kuwento pero nakatago rin doon iyong larawan ng totoong sinasapit minsan ng ating mga kapatid na OFWs. Isa siyang political thriller pero itsina-champion niya ang kalagayan at karapatan ng mga naabusong OFWs natin”, kuwento ni Tom.

tom_1Papel ng isang senador na naging suspect sa pagpatay ng mga dayuhang employers ang role ni Tom sa Magtanggol.

Para maging makatotohanan ang kanyang itsura, pinagmukhang matanda si Tom sa pelikula.

I don’t mind being deglamorized. Iyong ngang ginawa ko iyong “Aladdin” sa teatro, pinagmukha akong bata roon. Dito naman sa Magtanggol, I have to look older kasi I’m supposed to be in my ‘40s na okey naman dahil hindi ko pa siya nata-tackle sa ibang mga nagawa ko na”, aniya.

Ang Magtanggol ay tribute din sa ating mga bagong bayani. Ano ang konsepto sa iyo ng isang bayani?

“Tulad na rin ng mga nakagisnan natin, hindi naman siya nalalayo sa pagkakaalam natin kina Rizal at Bonifacio, pero, kahit sino naman puwedeng maging bayani. Sinumang tumutulong sa kapakanan ng bayan o ng kanyang kapuwa ay puwedeng maging bayani. Ang bayani sa akin ay selfless dahil bayan muna bago sarili ang iniintindi tulad na lamang ng mga OFW natin na iniintindi muna ang kapakanan ng kanilang pamilya kaya nagtratrabaho sa ibang bansa”,

paliwanag niya.

Sino ang bayani o hero ng buhay mo?

“Sinumang nagbibigay ng inspirasyon sa akin sa trabaho at maging sa aking mga laban sa buhay. Ang mga magulang ko na malaki ang naging sakrispisyo para lamang itaguyod ako.”

Kasama rin ba si Carla (Abellana) sa mga ito?

“Oo naman dahil isa rin siya sa mga nagbibigay ng inspirasyon sa akin at sa trabaho ko,”makahulugan niyang pahayag.

Para maging kapani-paniwala, nag-research si Tom para sa kanyang role bilang Senador Juancho Magtanggol.

“Nanood ako ng mga Senate hearings pero wala akong naging peg sa aking role. Gumawa lang ako ng sariling character sketch ng role ko”, pagtatapat niya.

Tungkol sa isang political family ang Magtanggol. Ano ang iyong masasabi tungkol sa political dynasty?

“If you have public service in your heart, you have the right to do that. If you really know that you could make a positive change in the lives of people especially those in higher positions, I have nothing against that. But, if you see it as a kind of work or business para i-promote ang iyong business interests at magpayaman lang for easy money, I don’t think I will be supporting that”, paliwanag ni Tom.

Kung hindi ka isang aktor, naisip mo bang pumasok sa pulitika?

“It’s hard to know pero mas enjoy ako sa ginagawa ko sa pagpo-portray ng iba’t-ibang roles. Puwede naman akong makatulong sa mga tao kahit wala ako sa politics”,pagtatapos niya.

Multi-layered ang kuwento ng Magtanggol na may romansa, drama, aksyon at makapigil-hiningang suspense.

Mula sa direksyon ni Sigfreid Barros-Sanchez, kabituin din ni Tom sa pelikulang

“Magtanggol”ang mga de-kalibreng aktor tulad nina Ejay Falcon, Dina Bonnevie, Joonee Gamboa, Denise Laurel, Yam Concepcion, Kim Domingo, Albie Casino at marami pang iba.

Leave a comment

Leave a Reply