May 22, 2025
Child actor Simon Pineda gets two nominations from PMPC Star Awards for TV
Latest Articles This is it!

Child actor Simon Pineda gets two nominations from PMPC Star Awards for TV

Oct 20, 2016

Dalawang nominasyon ang nakuha ng child actor na si Simon Pineda sa darating na 30th PMPC Star Awards For Television na gaganapin sa October 23, Linggo, sa Novotel, Cubao.

Nominado siya for Best Child Performer para sa role niya bilang si Onyok sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano at nominado rin siya for Best New Male TV Personality para pa rin sa role niya sa nasabing serye.

Well, makasungkit kaya kahit isang award si Onyok? ‘Yan ang ating aabangan.

Sa nakaraang concert ni Sharon Cuneta na ginanap kamakailan sa Solaire, Resorts and Casino ay kinanta niya ang isa sa hit single ni Rey Valera na “Maging Sino Ka Man” na naging title rin ng movie niya katambal ang nakarelayon niya noon na si Robin Padilla. After niyang kantahin ‘yun, ni-reveal niya na muntik na raw niyang pakasalan noon si Robin kaya lang may nadiskubre raw siya, na may nabuntis na babae ang action star na naging dahilan para hindi niya na ituloy ang plano niyang pagpapakasal rito.  Ang tinutukoy ni Sharon na nabuntisan ni Binoe na hindi niya na binanggit ang pangalan ay ang unang asawa nito na si Liezl Sicangco na ina ni Kylie Padilla.

Mula nung Lunes ,October 17, hanggang sa Octubre 23, ay gaganapin ang 30TH Buy Pinoy Exporters Fair sa Glorietta Activity Center sa Makati, City. Magsisimula ito ng 10am hanggang 9:00pm.

dsc_0099

Ito ay inorganisa ng Buy Pinoy Movement Foundation Inc. (BPMFI) na ang presidente ay si Marlane C. Villa. Itatampok dito at bibigyang importansiya ang mga gawaing Pilipino na pangregalo lalo na ngayong darating na Kapaskuhan.  At ito’y sa mura lamang halaga.  Ito ay dadaluhan ni Sen. Manny Pacquiao bilang panauhing pandangal.

Ang trade show na ito ay kinabibilangan ng mahigit 150 manufacturers/exporters mula sa iba’t-ibang rehiyon sa bansa na 60% ay kasalukuyang nakikipagkalakalan sa labas ng bansa at 40% ay posibloeng mag-eksport ng kanilang produkto sa labas ng bansa.

Para sa karagdagang impormasyon. maaari po ninyong tawagan ang BPMMI sa  teleponong 832.9060 o sa cell phones, 0908 830 7072 or 0927 329 6043 or contact thru email ad:buypinoymovement08@gmail.com BPMFI

Leave a comment