May 22, 2025
Bryan Termulo is happy with his latest achievement
Latest Articles

Bryan Termulo is happy with his latest achievement

Jan 12, 2017

Another big achievement sa career ng singer-actor at TV host na si Bryan Termulo ang maging brand ambassador ng isang kumpanya.

Pagpasok pa lamang ng taong 2017 ay ito na agad ang bumungad sa kanya kaya naman walang pagsidlan ng tuwa ang guwapong Kapamilya star.

Matatandaang binansagang Prince of Teleserye Theme Songs si Bryan at ngayon nga ay sisiguraduhin niyang muli siyang gagawa ng ingay sa music, acting and TV industry dahil nasa pangangalaga na siya ng BWB Records and Music Production Inc. at sa Asian Artist Agency Inc. na pinamamahalaan ng King of Talk na si Boy Abunda.

Hindi nga akalain ni Bryan na sa simpleng paggi-guest niya tuwing may promotion and events ang Megasoft company sa iba’t ibang lugar ay magbubunga ito ng isang napakalaking oportunidad sa kanya bilang ambassador ng nasabing kumpanya.

Noong nakaraang taon kasi ay naging aktibo siya sa advocacy ng kumpanya na ‘School is Cool’ kung saan ay nag-tour sila sa iba’t ibang schools nationwide to entertain and further instill the value of education among the Filipino Youth.

20170110_1256491

“Last year’s ‘School is Cool’ was a success with Megasoft visiting 19 schools from the different cities, municipalities and provinces of Luzon, Visayas and Mindanao giving recognition to outstanding students and teachers and assistance to their respective schools.”

At ngayong 2017 nga ay mas dodoblehin nila ang effort to reach more students with Bryan officially leading the project. This year ay una nilang napasyalan ang Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School in San Pablo City last January 9.

“I’m very thankful to my Megasoft family for giving me the opportunity to experience all my passions in one event. Education, singing and travelling. More, I can get to interact with our youth, know their aspirations and challenges and inspire them to reach for their dreams through education,” pagbabahagi ni Bryan during the presscon.

Samantala, bukod sa bagong blessings na ito na dumating sa buhay ng binata, naikuwento rin ni Bryan ang iba pa niyang pinagkakaabalahan ngayon.

Mahilig pala siyang magbiyaheng mag-isa at mag-explore sa iba’t ibang bansa at ginagawan niya ito ng documentary o travel vlog (video blog) at inilalagay sa youtube.

One man show ang kanyang drama at dahil sa paglalakbay niyang ito ay masasabi niyang marami siyang natututunan from the cultures ng mga bansang kanyang napapasyalan.

Ilan sa mga bansang napuntahan na ni Bryan ay ang Iran, Russia, Korea, Guam, USA, Mexico, Peru at Ecuador.

Bukod dito ay busy rin si Bryan sa kanyang early morning show ng ABS-CBN na “Salamat Dok” na isang taon na niyang ginagawa. May segment siya doon kung saan nagta-travel din siya sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Sa ngayon daw ay ito muna ang kanyang pinagkakaabalahan at wala na raw muna siyang time para sa lovelife. Darating din daw ‘yon sa tamang panahon.

Umaasa rin daw siya na after ng teleserye niyang Dream Dad at Huwag Ka lang Mawawala ay magkakaroon din siya ng kasunod na proyekto this year.

Leave a comment