May 22, 2025
Angeline Quinto reveals her first time on ‘Foolish Love’
Latest Articles

Angeline Quinto reveals her first time on ‘Foolish Love’

Jan 13, 2017

Sa latest movie ni Angeline Quinto na “Foolish Love” kasama si Jake Cuenca, mula sa Regal Entertainment, ay gumaganap siya rito bilang si Virginia.

Ayon sa kanya, naka-relate siya sa kanyang role.

“Kaya siguro Virginia yung role ko sa movie kasi hindi nalalayo yung character ko sa totoong buhay,” natatawang sabi ni Angeline.

Patuloy niyang sabi tungkol sa kanyang role,”Ako po rito ay simpleng babae na may maayos namang trabaho. Ilang taon na lang po, magiging thirty na ako.

“So sa totoong buhay po ng isang babae, medyo kakabahan ka na kasi baka tumanda kang dalaga.

“So, everytime po na magkakaroon ng pagkakataon na may makikilala akong isang lalaki, like first time kong nakilala pero pinakitaan ako ng maganda, feeling ko siya na ang destiny ko.
“Ang dami ko hong nakilala na lalaki pero hindi pala sila yung makakasama ko sa buhay. Hanggang sa nakilala ko si Rey, yung character ni Jake.”
photo from angeline quinto's instagram account
photo from angeline quinto’s instagram account

Sa Foolish Love ay may matinding kissing scene si Angeline kay Jake na first time niyang ginawa.

“Bagong taon na ho, 2017 na. Hindi naman ho siguro masama yung mag-try ka ng mga bagay na hindi mo pa nasusubukan,” paliwanag ni Angeline.
“Sobra din naman po yung tiwala ko kay Direk Joel Lamangan, na hindi naman ho niya ako pinabayaan sa mga eksena ko sa movie naming.”

Ang saloobin ni Angeline sa matinding kissing scene,

“Siguro kaya rin ho medyo kinabahan at natakot ako nung una, kasi hindi ko pa nga ho yun nai-experience sa totoong buhay.
“Sa totoo lang, lagi akong nagtatanong kay Direk Joel kung paano gagawin yun. Feeling ko nga, nakukulitan na siya sa akin.
“Basta ang sabi niya lang sa akin, gawin ko lang daw kung ano yung alam kong tama.”
photo from angeline quinto's instagram account
photo from angeline quinto’s instagram account

Bago gawin ni Angeline ang matinding kissing scene with Jake ay kinausap daw muna niya ito.

“Sabi ko sa kanya na alalayan nya ako sa eksena.”

Masayang masaya ang singer-actress sa kanyang bagong pelikula lalo pa’t first time nyang makakasama si Jake Cuenca. Ngayon ay paniguradong aabangan ito ng kanyang mga taga-hanga at masusubukan na naman ang kanyang kakayahan sa acting.

Leave a comment