
Rodriguez CCH Media and Film Festival calls for entries
Maganda ang layunin ng Rodriguez, Rizal sa pangunguna ni Mayor Cecilio C. Hernandez para sa kanilang kauna-unahang Rodriguez CCH Media and Film Festival.
Ito ay naglalayong makatulong para mahasa ang talento ng mga kabataan sa filmmaking.
Bukod dito, layunin din ng naturang festival na mai-promote ng Rodriguez, Rizal ang turismo, history, kultura at kagandahan ng lugar.
Dalawang kategorya ang tampok para sa paligsahan at ito ay ang Best Short Documentary Film at Best Infomercial.
Ang Best Short Documentary Film ay magwawagi ng 20,000 samantalang 10,000 naman sa magiging Best Infomercial.
Ang kompetisyon ay open sa lahat ng unibersidad at colleges sa probinsiya ng Rizal.
Kailangang finished product ang isusumite ng sinumang gustong sumali na ang tema ay tungkol sa Rodriguez, Rizal at sa naturang lugar din dapat mag-shoot.
Kabilang sa mga jury ng nasabing film festival ay sina Chairwoman Liza Dino-Seguerra ng Film Development Council of the Philippines, Direk Will Fredo at ang artistang si Mara Lopez samantalang ang tumatayong chairman ng festival ay si Christopher Novabos.
Para sa detalye, pumunta lamang o bisitahin ang official fb page na Rodriguez CCH Media and Film Festival.
Pwede ring bumisita sa Municipal Public Information Office sa Municipal Hall ng Rodriguez, Rizal at hanapin si Mr. Novabos. Ang deadline ng Submission ng entries ay sa May 31,2017.