
2nd Cine Filipino Film Festival showcases stories worth telling
by Archie Liao

Mas maningning at star-studded ang ikalawang edisyon ng inaabangang Cine Filipino Film Festival ngayong taon.
Tampok ang mga tanyag na mga actor sa tatlong networks na kilala rin sa larangan ng indie at mainstream scene ang mapapanood sa siyam (9) na kalahok sa 2nd Cine Filipino Film Festival.
Ayon kay Madonna Tarroyo, president ng Unitel at festival director ng Cine Filipino, mas pinaigting at kaabang-abang ang lineup ngayong taon dahil bukod sa star-studded ay mas mataas ang kalidad ng mga pelikulang kalahok.

Ang siyam na kalahok sa kategoryang full-length feature ay ang “1st Sem” nina Dexter Hemedez at Allan Ibanez, “A Lotto Like Love” ni Carla Baful, “Ang Taba Ko Kasi” ni Jason Paul Laxamana, “Ang Tulay Ng San Sebastian” ni Alvin Yapan, “Buhay Habangbuhay” ni Paolo Herras, “Ned’s Project” ni Lemuel Lorca, “Sakaling Hindi Makarating” ni Ice Idanan, “Star Na Si Van Damme Stallone” ni Randolph Longjas, at “Straight To The Heart” ni Dave Fabros.
Ang “1st Sem” ay tumatalakay sa love-hate relationship ng mag-ina dahil sa anak na may separation anxiety syndrome. Bida rito sina Lotlot de Leon, Allan Paule at Darwin Yu.
Ang “A Lotto Like Love” ay tungkol sa dalawang estrangherong pinagbuklod ng tadhana nang manalo sila sa lotto. Ipinakikilala rito ang tambalang Martin Escudero at Isabelle de Leon.
Ang “Ang Taba Ko Kasi” ay tungkol sa isang matabang babaeng kahit anong gawing pagdi-diet ay hindi pumapayat na naging pantasya ang makalaglag-panty niyang swimming instructor. Pinangungunahan ito nina Mark Neumann, Cai Cortez at Ryan Yllana.
Ang “Tulay ng San Sebastian” ay isang horror flick tungkol sa mga paramedics na pinagmumultuhan ng mga ispiritu sa isang madilim na tulay sa kanayunan. Bida rito sina Sandino Martin, Joem Bascon, Sue Prado at Lance Raymundo.
Ang “Buhay Habangbuhay” ay tungkol sa isang multo ng masunuring asawa na unang yumao sa kanyang mister na nakatagpo ng bagong buhay sa kabilang buhay.
Sina Iza Calzado, Jake Macapagal, Meryll Soriano, Rocky Salumbides, Anna Marin at Nhikzy Calma ang bumubuo ng cast.
Ang “Ned’s Project” ay tungkol sa isang lesbiyanang tattoo artist na sumali sa isang talent reality show sa kagustuhang magkapera para mabuntis siya sa pamamagitan ng artificial insemination at matupad ang pangarap niyang maging ina.
Tampok dito sina Angeli Bayani, Max Eigenmann, Lui Manansala at Biboy Ramirez.
Ang “Sakaling Hindi Makarating” ay isang road movie tungkol sa paglalakbay ng isang babae sa paghahanap ng isang anonymous letter sender.
Bida rito sina Alessandra de Rossi, Teri Malvar, Pepe Herrera, JC Santos at marami pang iba.
Ang “Star na si Van Damme Stallone” ay tungkol sa pakikipagsapalaran ng isang batang may down syndrome na pangarap na maging artista.
Ipinakikilala rito si Paolo Pinggol bilang batang may down syndrome. Kasama sa supporting cast sina Candy Pangilinan, Neil Ryan Sese at Erlinda Villalobos.
Ang “Straight to the Heart” ay isang sexy, gender-bending movie tungkol sa isang gay hairdresser na nagka-coma nang maaksidente at nang magising ay nadiskubre niyang isa siyang straight guy na magbibigay ng kumplikasyon sa kanyang buhay. Tampok ang hunk actor na si Carl Guevarra bilang gay hairdresser at Gwen Zamora bilang isang lesbyana. Kasama rin sa cast sina Vincent deJesus, Ricci Chan, Kiko Matos, Nico Antonio, Pinky Amador at marami pang iba.
Ano ang kuwento sa likod inyong mga kuwento at ito ang ipinasok ninyo sa Cine Filipino?
Dexter Hemedez at Allan Ibanez(1st Sem) – “Katulad po ito ng kuwento namin. Isang family-oriented comedy tungkol sa kabataan na masyadong attached sa kanyang family kaya nahihirapan siyang mawalay sa mga ito noong lumuwas siya ng Maynila para mag-aral. So, iyong nakaugaling family ties naroroon”.
Carla Baful (A Lotto Like Love)-“I grew up kasi na prevalent ang lotto sa kultura natin. Iyong lola ko bets on lotto regularly. Hinaluan ko siya ng romance at comedy na very Pinoy ang genre”.
Jason Paul Laxamana(Ang Tabi Ko Kasi)-“Actually, it was written in 2013. Nagustuhan ng mga judges iyong kuwento about plus-sized persons. Siyempre, kasama na rin iyong perspective ko at perspective of plus-sized people that I know”.
Alvin Yapan (Ang Tulay ng San Sebastian)-“Ito iyong pelikula na ginawa ko dahil napagod ako sa past few years. Gusto kong gumawa ng pelikula na enjoy lang ako. First time kong gumawa ng horror kaya lahat ng mga elemento ng katatakutan narito, may white lady, may tiyanak, may zombie, so tinipon ko lang ang lahat ng horror stories na alam ko”.
Paolo Herras (Buhay Habangbuhay)-“It was all about moving from darkness to light. Sa personal struggle ko, may mga nagawa na rin akong indie na hindi kumita. Na-depress ako dahil patay na iyong lovelife mo, patay pa ang iyong career. Thankful na lang ako na may day time job ako at nakatulong siya para maka-move on ako. It’s also a tribute to Sandy Andolong na favorite actress ko since “Moral” na may mga personal battles din sa buhay, kaya iyong character ni Iza ang pangalan ay Sandy. It’s actually moving on sa mga struggles mo kung anuman ang pinagdadaanan mo”.
Lem Lorca(Ned’s Project)-“Bilang original filmmaker, iyong mga kuwento ko nakukuha ko sa mga inuman. Nakainuman ko si Ned (isang lesbiyana) noong pareho kaming maging ninong sa binyag. Sabi niya sa akin “Pare, gusto kong magkaanak”. Sabi mo, puwede naman siyang mag-ampon. Pero seryoso niyang sinabi sa akin na gusto niyang magkaanak at magbuntis bilang isang babae. Since then, I was haunted by the idea na magandang materyal siya para sa isang pelikula”.
Ice Idanan (Sakaling Hindi M akarating)-“Actually, the movie is about moving on. Naging heartbroken din kasi ako, at noong isino-shoot ko siya, nakatulong siya para ako makapag-move on from a past relationship”.
Randolph Longjas (Star na si Van Damme Stallone)-“It was inspired kasi noong mamatay iyong cousin ng friend ko na may Down Syndrome. So, naging consideration sa akin ang gumawa ng pelikula na dedicated sa children with down syndrome.”
David Fabros (Straight to the Heart)-“Back in the States, noong nagkita kami ng mga friends ko at ini-encourage akong gumawa ng una kong feature, we were inspired noong pelikulang “While You Were Sleeping” ni Sandra Bullock. So naisip namin iyong premise na what if nagka-amnesia ang isang tao at paggising niya, iba na siya at ang pag-iisip niya at pati iyong mga relationships niya. It’s actually inspired also by the people I know, pero hindi iyong ang tao ang nakatutuwa kundi iyong mga situwasyong kinasasangkutan niya”.
Why is your story worth telling the Filipino audience or bakit sa palagay ninyo ay karapat-dapat na mapakinggan ang inyong kuwento at mapanood ng sambayanang Pilipino?
Dexter Hemedez at Allan Ibanez(1st Sem)-“Importante pa rin ang values at education sa kultura natin and hopefully ma-emphasize ito sa pelikula namin”.
Carla Baful (A Lotto Like Love)-“Our story is worth telling because it’s every Filipino’s story. It’s every Filipino’s love story. Who dreams ba na hindi manalo sa lotto? We have that big dream that we sometimes forget the more important things in life like love na mas kailangan natin sa buhay. At saka iyong contrast between love and luck, it’s worth telling, kasi may mga bagay na swertehan talaga at meron ding namang mga bagay na pinaghihirapan”.
Jason Paul Laxamana(Ang Tabi Ko Kasi)-“It can be also be everybody’s love story dahil lahat naman ng tao may insecurity sa katawan not necessarily the size, sometimes kahit iyong ngipin niya. Aside from that, gusto kong gumawa ng isang pelikulang hindi magiging object of ridicule ang fat people. Iyong hindi sasaya iyong character in the end dahil nagbago o nag-transform ang kanyang hitsura na siyang narrative ng film na gusto naming i-tackle”.
Alvin Yapan (Ang Tulay ng San Sebastian)-“Bukod kasi sa isyu ng LGBT, may mga dapat din tayong talakayin tungkol sa Pinoy psyche ng ating mga kalalakihan. Kung bakit meron silang takot sa Pilipinas at maging sa buong mundo. It’s an exploration of the psyche of the Pinoy males”.
Paolo Herras (Buhay Habangbuhay)-“There so much darkness, there so much anger, there ‘s so much hurt in this country. It’s really moving on from the darkness, moving on from the anger and moving on to see the light”.
Lem Lorca(Ned’s Project)-“Actually, sobrang controversial ng story ng mga LGBT kaya that alone is worth telling”.
Ice Idanan (Sakaling Hindi M akarating)- “When we are sad kasi we tend to keep everything inside and isolate ourselves from the world. Dapat lumalabas tayo para mag-explore o mag-travel. There are actually many unexplored beautiful places in the Philippines. Bago natin unahin na pumunta sa iba, unahin muna natin ang sariling atin. Sometimes, plight could be a beautiful thing dahil nakakatulong siya para makapag-move on ka”.
Randolph Longjas (Star na si Van Damme Stallone)-“We want to correct the preconceived notion about disability. That disability is not a hindrance to chase your dreams tulad na lang noong bida namin na may down syndrome na gustong maging artista”.
David Fabros (Straight to the Heart)-“Nabanggit na rin ang tungkol sa LGBT equality. I think, it’s a big thing now. It’s long overdue. Actually dapat na tayong naroon sa understanding hindi lang sa tolerance kundi sa acceptance nila which is what is being tackled in our film.”
Ayon naman kay Unitel President and Group COO, relatable raw ang mga tema ng mga pelikula ng Cine Filipino ngayong taon.
“It’s worth telling because it talks about us, Filipinos. Every aspect ng pagkatao natin, ng mga kuwentong inilalahad and I’m not only talking about full length features but also shorts, TV series, online and even documentaries. Bawat isa sa atin, makikita ang ating sarili sa bawat kuwento na ilalahad dito sa Cine Filipino. Sari-sari siyang kuwento pero maniwala kayo, siguradong-sigurado ako na you will identify yourselves with our materials.”
Ayon naman sa multi-awarded scriptwriter at director na si Joey Reyes na siyang head of competition ng Cine Filipino , kakaiba ang mga putaheng inilaan sa film festival ngayong taon.
“When I was asked kung ano ang theme ng Cine Filipino ngayong taon, lagi kong sinasabi na it’s diversity.It’s so diverse that it really touches an entire spectrum of themes. It really touches across a freedom of expression. I think, kakaiba ang Cine Filipino sa lahat ng mga festivals dahil it is audience friendly. We are serving films that are not only palatable to the audience and not insulting to their intelligence but also offering new directions for cinema.
Bukod sa mga full-length features, meron ding mga documentaries, short films, mobile at online formats at TV series na ipalalabas sa pinakahihintay na taunang piyesta ng pelikulang Pilipino.
Ang napapanahong pelikula na “Whistleblower” ni Adolfo Alix, Jr. ang opening film sa ikalawang edisyon ng Cine Filipino film festival.
Powerhouse cast ito na nagtatampok sa nag-iisang Superstar na si Nora Aunor kasama sina Cherie Pie Picache, Angelica Panganiban, Angeli Bayani, Anita Linda, Rosanna Roces, Laurice Guillen, Liza Lorena, Sharmaine Arnaiz, Ina Feleo, Carlo Aquino, Bernardo Bernardo, Cogie Domingo, Gerald Madrid at marami pang iba.
Ang 2nd Cine Filipino Film Festival ay gaganapin mula Marso 16 hanggang 22, 2016 at mapapanood sa Shang Cineplex, Greenhills Theater Mall, Gateway Cineplex,Eastwood Mall, Resorts World Manila, Robinsons Place Manila, Robinsons Galleria at Festival Mall Cinemas.
Ang ikalawang edisyon ng CineFilipino ay handog ng Unitel Productions sa pakikipagtulungan ng PLDT Smart Foundation and MediaQuest Productions.
For your comments/reactions write to artzy02@yahoo.com