May 23, 2025
2nd Sinag Maynila filmfest winners bared
Home Page Slider Latest Articles Movies

2nd Sinag Maynila filmfest winners bared

Apr 25, 2016

arseni@liao

by Archie Liao

Photo sent by Archie Liao
Photo sent by Archie Liao

Sa isang simpleng seremonya na ginanap sa Samsung Hall sa SM Aura Premiere sa Taguig City, ginanap ang awarding ceremonies ng ikalawang edisyon ng Sinag Maynila Film Festival kamakailan. Wagi sa best actress category ang beterana at award-winning actress na si Elizabeth Oropesa para sa pelikulang “Mrs.” Ni Adolfo Alix, Jr.

kung saan ginagampanan niya ang papel ng isang babaeng ayaw iwan ang kanyang tahanang puno ng alaala ng kanyang nakaraan. Nanalo naman ng kanyang kauna-unahang best actor trophy si Alvin Lorenz Anson para kanyang makatuturang pagganap bilang isang hired killer na gusto nang magretiro sa trabaho para sa pelikulang “Expressway” ni Ato Bautista.

Si Alvin ay nakababatang kapatid ng magaling na aktres na si Boots Anson Roa. Nakopo naman ng pelikulang “Mrs”. ang best film award.

Narito ang kumpletong listahan ng mga nanalo sa nakaraang 2nd Sinag Maynila filmfest.

Best Film: Mrs.

Best Actress: Elizabeth Oropesa (Mrs.)

Photo sent by Archie Liao
Photo sent by Archie Liao

Best Actor: Alvin Anson (Expressway)

Photo sent by Archie Liao
Photo sent by Archie Liao

Best Director: Adolfo Borinaga Alix Jr. (Mrs.)

SM People’s Choice Award: Lila

Blink Box Office Film: Lila

Best Screenplay: Joselito Altarejos at Archie del Mundo (TPO-Temporary Protection Order)

Best Production Design: Marielle Hizon (Lila)

Best Cinematography: Albert Banzon ( Mrs.)

Best Editing: Benjamin Tolentino (Expressway)

Best Musical Score: Francis De Veyra (Expressway)

Best Sound: Drew Milallos (TPO -Temporary Protection

Short Film 1st Place: Apuhap

Short Film Runners-up: Ang Kapinuhan Kan Mga Alon Sa Danay ni Jennifer Lyn Romano The Foreseeing nina Daniel Morial at Jeth Ordeniza

Cinefone 1st Place: 99% ni John Barcena

Cinefone 2nd Place: Litrato ng Nakaraan nina Angelika Deofilo, Danilo Garcia at Samantha Mariano

Cinefone 3rd Place: Espayb nina Ebone Cimafranca, Jacquiline Hidalgo, Jessica Rubete atJuselle Roble

Kapansin-pansin na walang kategoryang best supporting actor at best supporting actress sa katatapos na awarding rites. Ang mga kalahok sa 2nd Sinag Maynila Film Festival ay mapapanood pa hanggang Abril 26 sa piling SM cinemas.

Leave a comment

Leave a Reply