May 23, 2025
3:16 talent Cloe Barreto to star in a new Joel Lamangan film
Latest Articles

3:16 talent Cloe Barreto to star in a new Joel Lamangan film

Jan 24, 2021

Hindi pa man naipalalabas ang dalawang pelikulang nagawa ni Cloe Barreto, nakatakda na niyang simulan ang third film niya.

This time, bida na ang tsinitang aktres.

Ito’y via Joel Lamangan’s Silab, na mula sa panulat ni Raquel Villavicencio at under ng 3:16 Media Network.

Tampok din dito sina Jason Abalos, ang kapatid ni Cloe sa 3:16 Events and Talent Management at Clique V member na si Marco Gomez, Lotlot de Leon, Chanda Romero, Jim Pebanco, at iba pa.

Naunang ginawa ni Cloe ang advocacy film na Codep ni direk Neal Tan.

Sinundan ito ng pinagbibidahan ni Sean de Guzman na Anak ng Macho Dancer ni direk Joel Lamangan, na ang digital premiere ay sa January 30 na, 9-11 pm.

Incidentally from Chloe Sy, ang screen name na ngayon ng talent ni Ms. Len Carrillo ay Cloe Barreto na.

Bakit siya nagpalit ng screen name?

Esplika ng dalaga, “Kasi po parang pina-feng shui po, so, sana po maging suwerte nga iyong name na ito.”

Paano kung sabihan siya na parang ginagamit niya ang mga Barretto?

Nakangiting tugon niya, “Screen name lang naman po iyon, huwag po kayong magalit, hahahaha! At saka, iba naman po ang spelling.”

Hindi kaya sila magkakailangan dito ni Marco dahil parang magkapatid ang turingan nila sa isa’t isa?

Saad ni Cloe, “Actually po nag-uusap kami, sabi namin, walang tatawa, ha. Kasi ako po, bungisngis ako eh, kapag like nag-joke siya, hindi na po matitigil yung tawa ko.

“Kaya sabi ko sa kanya, ‘Huwag ka magjo-joke ha, huwag kang tatawa ha, kilala mo ako’. Pero nag-usap naman po kami, work lang po.”

Second time na niya with Direk Joel, anong klaseng experience na ma-handle siya ng isang premyadong direktor?

“Noong una po, nakakakaba talaga, kasi naririnig ko po sila na ganito, ganoon… Pero para sa akin po kasi, parang challenge po para mas mailabas ko pa yung dapat kong ilabas and para rin po hindi mapagalitan ni Direk,” nakangiting wika pa ni Cloe.

Nabanggit din niya na super daring siya sa pelikulang ito.

“Masasabi ko po na parang… sobrang daring talaga,” pakli ng aktres/dancer.

Ang nagpalakas daw ng loob niya para magpaka-daring sa pelikulang Silab ay dahil ito na ang pinakahihintay niyang break.

“Kasi actually po, ito talaga yung parang gusto ko, like… eto na po yung parang big break na hinihintya ko talaga,” sambit ni Cloe.

Aniya pa, “Kaya parang pumasok sa isip ko na, ‘Gagawin ko ang lahat’, ibibigay ko po ang lahat para sa pelikulang ito. Kasi ito na po yung pinakahihintay ko nang matagal na matagal na, eh.”

Ayon sa publicist ni Cloe na si Leo Bukas, ang packaging talaga na gusto nila sa kanya ay isang sexy star na eventually ay maggo-grow as an actress, na parang Jaclyn Jose.

Pressure ba iyon sa part niya, na parang susundan niya ang yapak ni Jaclyn Jose?

Lahad ni Cloe, “Hindi naman po, parang… sabi nga po nila, mas alam nila ang mabuti sa career ko dahil mas nauna sila sa industriyang ito.

“Kumbaga po, papunta pa lang ako, pabalik-balik na po sila and malaki po ang tiwala ko sa mga nagha-handle po ng career ko.”

Sakto naman ito dahil si Jaclyn pala ang hinahangaan niyang aktres.

“Si Ms. Jaclyn Jose po,” saad ni Cloe nang usisain ang hinagangaan niya sa mundo ng showbiz.

Pagpapatuloy pa niya, “Kasi magaling po talaga siyang umarte, nakasama ko na po kasi siya sa Anak ng Macho Dancer. Kaya nakita ko po siya kung gaano kagaling talagang umarte,” sambit pa ni Cloe.

Leave a comment