
Carl Guevarra reconciles with ex-GF Kris Bernal
by John Fontanilla
Masayang ibinalita ni Carl Guevarra na nakapag usap at natuldukan na nila ng kanyang ex-girlfriend na si Kris Bernal ang gusot na namagitan sa kanilang dalawa.
Kuwento nga ni Carl ng nakapanayam ng Philippine Showbiz Republic (psr.ph) sa press launching ng mga shows ng TV sa Sampaguita Compound Event Place kamakailan na “Okey na kami, pareho na kaming naka-move on, 8 months na yung nakalipas.
“Tama nga yung sinabi mo sa akin na darating din yung time na magiging okey na ang lahat.
“Ako na yung gumawa ng paraan, kasi feeling ko ang tagal na so kailangan may gumawa talaga ng paraan at dahil ako ang lalaki, so ako na yung nauna.
“Tinext ko siya, tapos nag text din siya , kinamusta ko lang siya.
“Ayoko kasi na magpa-Pasko na hindi pa rin kami okey, samantalang last Christmas (2013) at new year (2014) kami yung magkasama.
“Gusto ko bago magpasko at magbagong taon na okey na kami, na puwede pa rin kaming maging magkaibigan.
“Maliit lang kasi ang industriyang ginagalawan namin at magku krus din ang landas namin.
“Mas magandang pag nag-krus ang landas namin okey na kami, na puwede kaming mag usap at magkamustahan.
“Tamang tama naman na nasa Tomas Morato siya. Tapos nasa Tomas Morato din ako. Ayun, nag-dinner lang kami.
“Masaya yung feelings, nagkamustahan lang kami.
“Tapos kinamusta ko yung trabaho niya. Kasi alam ko din na very busy siya.
“Buti nga nagbigay siya ng oras para makausap siya.
Naging maganda daw pag-uusap nila ni Kris, “Masaya ako dahil okey siya at busy sa trabaho niya.
“Masaya ako na wala ng samaan ng loob.
“Alam kong mahihirapan na maibalik yung katulad ng dati, pero ang mahalaga ay okey na kami at puwedeng maging magkaibigan.
“Atleast masaya kaming naghiwalay after naming mag-usap.
“Yung pakiramdam na matagal mong dinala at sa isang iglap wala na,
“Ang sarap ng pakiramdam dahil wala ka nang dinadala sa dibdib.
“Alam kong happy din siya dahil okey na kami.
Nang tanungin namin siya tungkol sa kanyang love life, “Bokya pa rin ang love life ko, medyo matagal tagal na, pero okey lang naman kasi nakatutok naman ako sa trabaho.
“Siguro sa ngayon mas okey na sa trabaho muna ako mag concentrate.
“Tsaka na lang ang lovelife, pero pag may dumating bakit naman hindi, pero sa ngayon wala talaga.
Tungkol sa mga projects naman nya nang aming tanungin, “Bale kasama ako sa ‘Tropa Mo Ko Unli’ at sa ‘Wattapad’, at ‘Mistakenly meant for You’ na kasama ko si Isabella De Leon na mapapanood sa February 2 to 6 from Monday to Friday.” ani Carl.
Follow me…